Venus Raj sa ex-BF: Oh my gosh! Wag na nating pag-usapan! | Bandera

Venus Raj sa ex-BF: Oh my gosh! Wag na nating pag-usapan!

Alex Brosas - March 09, 2014 - 03:00 AM


Enjoy na enjoy ni Venus Raj ang kanyang hosting stint for Business Flight na kasama niya ang businesswoman na si Cristina Decena. It will air soon on GMA News TV.

Naglibot ang dalawa sa iba’t ibang bansa at maging sa ilang parte ng Pilipinas. “Nakakatuwa ang mga Pilipino sa Japan. Meron isang interview na iyak siya nang iyak. Kinukuwento niya kung paano siya nag-start, kung paano naka-survive.

Akala ko kapag nangibang bansa ka success kaagad at wala kang pagdadaanan na hirap pero grabe rin pala ‘yung hirap na pinagdaanan nila prior to achieving kung ano ‘yung meron sila ngayon,” chika sa amin ni Venus.

Nakaka-relate naman ang beauty queen sa success stories ng kanilang nainterbyu.“Sobrang nakaka-relate ako kasi ako taga-probinsiya, ganoon din naman ang dreams and aspirations ko for my family.

Sila lumabas ng bansa para magpadala ng pera sa Pilipinas, magpa-aral ng kapamilya, mga kapatid, anak.  So kung ano ang na-experience nila ay parang lahat ng pera papasok sa Pilipinas.

Same din sa akin, paggawa ng bahay, pagtulong sa pagpapaaral ng pamangkin.” When the interview touched on her failed romance, nag-beg off si Venus na magsalita about it.

Rumors have it na merong marriage proposal na ginawa ang kanyang boyfriend pero dahil busy siya sa career ay hindi niya ito tinanggap.

“Oh, my gosh. Let’s not talk about that,” pakiusap niya. “For me kasi, parang it’s a non-issue anymore at this time na we have just to forget about it.

Ako mismo ayoko nang balikan nang balikan kung ano ang mga issues before. I’m okay now.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending