Kris nilunok lahat ng masasakit na salita na ipinalamon kay James | Bandera

Kris nilunok lahat ng masasakit na salita na ipinalamon kay James

Cristy Fermin - March 09, 2014 - 03:00 AM

Lahat ng mga salitang binitiwan nu’n ni Kris Aquino laban sa ama ng kanyang anak na si Bimby ay isa-isa na niyang kinakain ngayon. Nagkita na rin sila sa wakas sa gitna ni James Yap tungkol sa paghihiraman sa kanilang anak.

Ngayon ay malaya nang makakasama ni James si Bimby nang linggo-linggo, hindi lang siguro minsan, puwede pang madagdagan ang kanilang pagkikita depende sa lagay ng panahon.

Depende sa mood ni Kris, depende sa sumpong ng aktres, para kasing klima si Kris na hindi mo alam kung kailan mapayapa ang kapaligiran at kung kailan mananalanta ang ulan.

‘Yun lang ang mahirap sa pagpo-post ng emosyon sa social media, pagdating ng panahon ay napakaraming binabawi, tulad na lang ng kung anu-anong akusasyon nu’n ni Kris laban kay James Yap.

Nagmistulang basahan nu’n ang basketbolista sa mga pinagsasabi ni Kris, nagmukhang kaawa-awa ang lalaki, pero ang lahat ng ‘yun ay kinailangang lunukin ngayon ni Kris sa kanilang pagkakasundo.

Masyado kasing nagpapadala sa kanyang emosyon si Kris, kung ano ang gusto niyang sabihin, parang minantikaan ang kanyang dila sa sobrang dulas.

Wala siyang kunsiderasyong iniisip tungkol sa taong pinatutungkulan niya, maramot ang emosyon ng aktres, ang sariling interes lang niya palagi ang kanyang iginigiit.

Patulan ba ang isa niyang basher at ipagbuyangyangan sa buong mundo kung gaano kalaki ang kanyang credit limit? Hindi na niya dapat pang ipagdidiinan ang ganu’n, maraming naghihirap na mga kababayan natin ngayon, kung minsan siguro ay nakawawala sa utak ng babaeng ito na kapatid niya ang nakaupong pangulo ng ating bayan.

Isa lang ang ibig sabihin nu’n. Kris Aquino is Kris Aquino. Magpakailanman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending