ER Ejercito, KC malaki ang laban sa Star Awards for Movies
THE much-awaited PMPC Star Awards for Movies will be held tonight sa Solaire Hotel and Casino sa Macapagal Avenue. Masaya ito dahil lahat ng pinakamagandang pelikula of last year ang maglalaban-laban sa mga pangunahing puwesto as who amongst them is the best in different categories.
Isa ito sa pinakainaabangang awards night sa dinami-dami ng award-giving bodies na naglipana in town dahil PMPC is composed of legitimate entertainment writers.
They have existed for many decades already kaya naka-establish sila ng respectability sa movie industry. Some of the entries ng last December’s Metro Manila Film Festival ay nakasali sa kanilang nominasyon – one of which ay ang aming pelikulang “Boy Golden” starring Gov. ER Ejercito a.k.a. Jeorge Estregan, Jr. and KC Concepcion sa ilalim ng direksiyon ni Chito Roño.
Maraming categories nominated ang “Boy Golden” na obvious na inisnab ng nakaraang MMFF. Ha-hahaha! Imagine, yung pagkaganda-gandang pelikula about the true story of the late Arturo Porcuna na isang society hoodlum ng Tondo, ay tanging Best Float lamang ang napanalunan.
Kaya marami talaga ang nagalit sa MMFF pero ano naman kasi ang magagawa natin gayong pinag-iinitan ng pamahalaan si Gov. ER dahil hindi sila magkaalyado ng presidente – imagine, the height talaga dahil pati kaniyang movie entry ay pinersonal pa rin nila.
Ayaw sa kaniya ni P-Noy kaya anything that has to do with Gov. ER ay pinag-iinitan ng kampo nila. Halata naman, di ba? Masyado nilang pinupulitika ang lahat.
Kaya this time, we are crossing our fingers na mapansin man lamang ang “Boy Golden” in many categories. Gosh! Maliban sa mahusay na performances nina Gov. ER and KC, we showed excellence in many technical aspects like sa production design, cinematography, musical scoring, theme song, etc.
Mabuti naman and nominated kami for tonight’s awards night ng PMPC. For sure ay pupunta kami ni Gov. ER – sasamahan namin siya ni Pagsanjan Mayor Maita Ejercito, ang kaniyang magandang maybahay, sa event tonight sa Solaire.
Wala kasi si KC Concepcion – she’s still in New York sa pagkakaalam ko taking some crash courses. We are praying na sana’y makasilat kami.
Kasi two in a row nang nanalo si Gov. ER sa PMPC (two year’s ago for Asiong Salonga and last year for El Presidente. Hopefully ay makuha na naman niya ito this year. Galing kasi niyang artista and no one can question his capability as an actor.
After ng awards night, for sure ay diretso kami nina Richard Pinlac and company sa slot machines wishing na makuha namin ang malalaking random jackpots.
Ha-hahaha! Mas mahalaga sa aming makapindot after para pang-de-stress, di ba? Huwag kayong mag-alala at pag nanalo kami, babalatuhan namin kayo. Just pray. Ha-hahaha! Ay wait, huwag pala kayong mag-pray na manalo kami – ayaw ni Lord ng sugal – just HOPE na lang.
Speaking of Gov. ER Ejercito, malapit na ang Palarong Pambansa that his province (Laguna) is hosting this year. It will be held on May 4-10, 2014 at the Laguna Sports Complex sa Santa Cruz, Laguna. More than 80 provinces and 17 regions all over the country are participating in this sports event for students nationwide.
Bongga ito dahil many of the athletes will be trained to compete one day sa iba’t ibang bansa. “Sobrang exciting itong event na ito dahil athletes from different schools all over the country carry their torches sa iba’t ibang sports.
First time na kami ang maghu-host kaya talagang pinaghahandaan namin ito. Lalo naming pinagaganda ang Laguna Sports Complex at yung mga lugar na titirhan ng ating mga athletes.
Ipagdasal nating sana magampanan namin nang maayos ang aming tungkulin as host,” ani Gov. ER na talagang hands-on sa project nilang ito sa Laguna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.