KAHIT na binawi na ng prosecution ang demanda laban kay Dra. Elizabeth de Guia-Godino, tuloy pa rin ang pagdinig ni Paranaque Judge Noemi Balitaan sa kasong carnapping laban sa doktora.
Ang krimeng carnapping ay pagnanakaw ng kotse.
Sa mga taong di nakabasa ng column na ito noong Sept. 28, 2013, ang doktora, isang psychiatrist ng Medical City sa Pasig, ay dinemanda ni William Godino na kanyang asawa.
Ninakaw raw ni doktora ang dalawang kotse ng kanyang asawang multi-millionaire na negosyante.
Idinulog ni Dra. Godino ang kanyang problema sa “Isumbong mo kay Tulfo.”
Tinawagan ko si Prosecutor General (PG) Claro Arellano at sinabi kong imposible ang kaso na carnapping laban kay Dra. Godino dahil ang nagrereklamo ay kanyang sariling mister.
Sinabi ko kay PG na paanong nanakawin ni doctora ang kotse ni Mr. Godino samantalang pag-aari din niya ito?
Di ba alam ng piskal at hukom ang tungkol sa conjugal property? Sa mag-asawa, ang pag-aari ng lalaki o ng babae ay pag-aari din ng kanyang esposo o esposa.
Sinang-ayunan ako ni PG Arellano at inatasan ang chief prosecutor ng Paranaque na si Amerhassan Paudac na i-drop na ang kaso laban kay Dra. Godino.
Pero patuloy na dinidinig ni Judge Balitaan ang kaso sa kanyang sala.
May hinala ako kung bakit kinikilingan ni Judge Balitaan si Mr. Godino, pero hindi ko dideretsahin dito.
Sinabi sa akin ni Mrs. Godino na si Mr. Godino ay isang customs broker.
Alam natin na lahat ng customs brokers ay naglalagay sa mga taga-customs upang mapadali ang pag-release ng kanilang kargamento.
Dahil ayaw bitiwan ni Judge Balitaan ang kasong ayaw nang hawakan ng prosecution, ini-enganyo ko si Dra. Godino na magsampa ng kasong administratibo laban kay Judge Balitaan.
Tutulungan ng aking programang “Isumbong” si Balitaan na isampa ang kanyang reklamo sa Office of the Court Administrator ng Korte Suprema.
Baka mapatalsik itong si Balitaan sa kanyang tungkulin.
Speaking of Paranaque, ano itong narinig ko na isang babaeng hukom sa lungsod ang may relasyon sa isang prosecutor.
Ang babaeng hukom at lalaking piskal ay magka-partner sa “negosyo.”
Ang kanilang negosyo ay ayusin ang kasong hinahawakan ni piskal sa loob ng korte ng kanyang querida na judge.
Malaki-laki na raw ang kinikita ng dalawa sa kanilang iligal at immoral na negosyo.
Isang malaking scam sa Philippine Navy:
Last year, sa 111th anniversary ng Philippine Navy, anim na multi-purpose attack craft (MPAC) ang dineliver sa Navy headquarters.
Gumastos ang gob-yerno ng P90 milyon bawat isang MPAC.
Isang taon matapos maihatid ang MPAC, lahat ng mga ito ay sira na.
Dalawa o tatlo sa mga ito ay nasa Colorado Shipyard sa Cebu undergoing major repairs.
Ang iba ay nasa junkyard na raw.
Kailan kaya titino ang mga kawani ng gobyerno?
Para sa komento, reaksyon o tanong i-text ang TULFO, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09277613906
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.