SSS pension nahinto | Bandera

SSS pension nahinto

Lisa Soriano - March 08, 2014 - 03:00 AM

ISA na namang problema ang nabigyang serbisyo ng Aksyon Line makaraang personal na dumulog ang anak ng isang SSS pensioner na si Gng. Abuloc para alamin ang status ng SSS pension ng kanyang ama.

August 2012 nang maisaayos ang pension ng kanyang ama at mula noon ay natanggap na nila ang monthly pension sa pamamagitan ng tseke na ipinapadala sa kanilang tinitirahan.

Subali’t makalipas lamang ng apat na buwan, January 2013 hanggang ngayong 2014 ay muling nahinto ang pension na kanilang natatanggap.

Labis na ipinagtaka ng pamilya kung bakit natigil ang benepisyo nito mula sa SSS.

Malaking tulong ayon sa pamilya ang natatanggap nilang pension para ipambili ng mga gamot lalo’t ‘bed ridden’ o naka-bed rest na o hindi na ito naka-kabangon dahil sa sakit.

Agad namang lumapit ang Aksyon Line sa SSS sa pama-magitan ni Ms. Mayrose Francisco, team head ng Media Affairs Department.

Sa pagsusuri ni Ms. Francisco, sa record ay nakita na naka hold ang SSS pension Gng. Abuloc kinakailangan itong maisaayos sa SSS Pasig branch (Shaw blvd.) dahil nandoon ang record.

Sa Pasig branch, na-patunayan na pansamantala ngang naka-hold ang pension payment nito dahil kinakailangan ng yearly confirmation para patunayan kung buhay pa ang pensioner.

Kinakailangang personal na makita ng SSS kung buhay pa ang pensioner para maibalik ang benepisyo nito.

Subali’t sa kaso ni Gng Abuloc na ‘bed ridden’ na, ipinayo ng SSS na magpa-picture na lamang na hawak ang isang dated na newspaper para patunayan na buhay pa nga ito.

Kinakailangan isu-mite ang picture sa SSS at sa pamamagitan nito ay agad nang ire-request na maipadala na ang naka-pending na mga tseke.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending