Sulat mula kay Sylvia ng Barangay Central Bulanan, Midsayap, North Cotabato
Problema:
1. Malapit na akong maging 30-anyos at hindi pa rin nagkaka-boyfriend. Hindi ko itinatago ang aking edad. Nagagalit ako hindi dahil sa wala akong manliligaw. Nagagalit ako dahil ang malakas ang loob na manligaw sa akin ay mga may sabit na o mga may asawa na.
2. Nagtitiis akong mag-isa dahil ayaw kong maging kabit na lang. Bukod sa certified virgin ay hindi pa ako nalalawayan o nahahalikan ng lalaki. Kailan ba ako magkaka-boyfriend?
Umaasa,
Sylvia ng Barangay Central Bulanan, Midsayap, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing ang unang lalaking magiging boyfriend mo ay isang Virgo, pero hindi mo siya makakatuluyan, sa halip ang makakatuluyan mo ay ang ikalawnag boyfriend mo na isang Cancer.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 19, ang magiging first boyfriend mo, ang eksaktong birthday ay September 19. Kung saan bago matapos ang taon ay mabubuo ang isang mainit na relasyon.
Graphology
Ang iyong lagda na medyo magulo sa simula ay nagsasabing aabutin lamang ng ilang buwan ang ligawan. Pero, may nakaambang hindi matutuloy ang pag-iibigan. Gayunpaman, may susunod pang pagkakataon at dahil sa mabilis na pagdaloy ng mga araw ay baka mauwi na ito sa seryosong relasyon, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer.
Huling payo at paalala:
Sylvia, ayon sa iyong kapalaran, mapalad ka sa taon ito sapagkat dininig ng langit ang iyong hiling. Sa buwan ding ito baka magka-boyfriend ka hatid ng isang lalaking may initial na R.A., ngunit hindi siya ang makakatuluyan mo, dahil ang kapalaran ay di tuluy-tuloy. Pero, muli kang magkaka-boyfriend at baka ito na ang matagal mo nang pangarap para makabuo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.