Richard ayaw pang pakasalan si Sarah Lahbati | Bandera

Richard ayaw pang pakasalan si Sarah Lahbati

Reggee Bonoan - March 08, 2014 - 03:00 AM

RICHARD GUTIERREZ AT SARAH LAHBATI

Sa grand presscon ng reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez, inanunsiyo na mapapanood ito sa E! Channel (cable) mula sa direksyon ni Mike Carandang.

Ang nasabing reality show ng pamilya Gutierrez sa pangunguna nina Annabelle Rama, Eddie, Ruffa, Raymond, Richard, Elvis at iba pa ay isang six-part series na kinunan sa iba’t ibang bahagi ng Asya.

Isa sa hot topic sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez ay ang matagal nang tanong kung may anak na sina Richard at Sarah Lahbati?

Bitin ang sagot ng aktor, “Ito na nga ‘yung kasagutan sa mga tanong na ‘yan, itong reality show na ito. Like what we said, hindi ito magiging edited, hindi ito scripted. Kung anuman yung pinagdadaanan ng bawat member ng family, bawat isa sa amin, malalaman din sa show.”

Inamin din ni Richard na makakasama nga si Sarah sa nasabing reality show, “Sarah will be part of the cruise and nag-agree na rin ang GMA na maging part siya nito. Kasi nga, ang E! Channel naman, hindi competitor ng local network.”

Mapag-uusapan din ba sa show ang plano nilang pagpapakasal ni Sarah? “Ang dami pang pinag-iisipan ngayon. Ang dami pa naming mga bagay na pina-prioritize, ‘yun nga, gaya ng mga cases ni Sarah na natapos na. Isang malaking relief ‘yun para sa relationship namin. So, one step at a time,” sagot ng binata.

At hindi naman itinanggi ng aktor na si Sarah na ang gusto niyang makasama hanggang pagtanda niya, “Siyempre, I can’t be with her naman if I don’t see myself with her in the long run.

“And kami nga ni Sarah, medyo tried and tested na rin ang relationship namin after what we’ve been through. So, strong ‘yung relationship namin,” katwiran pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending