BALIK-PBA NGAYON ANG SAN MIGUEL BEER | Bandera

BALIK-PBA NGAYON ANG SAN MIGUEL BEER

Barry Pascua - March 07, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. San Miguel Beer vs Meralco Bolts
8 p.m. Barako Bull vs Barangay Ginebra

SA pagbalik sa dating pangalan at pagkakaroon ng bagong coach ay umaasa ang San Miguel Beer na manunumbalik ang winning ways nito.

Makakatunggali ng Beermen ang Meralco Bolts sa PBA Commissioer’s Cup mamayang alas-5:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa alas-8 ng gabi na main game ay magsasalpukan naman ang crowd-favorite Barangay Ginebra San Miguel at Barako Bull.

Ang Beermen, na ngayon ay hawak ni head coach Melchor Ravanes, ay pumang-apat lamang sa nakaraang Philippine Cup kung saan natalo sila sa Rain or Shine sa semifinals, 4-1.

Huling nagkampeon ang koponang ito noong 2011 Governors’ Cup kung kailan nagpalit ito ng pangalang Petron Blaze at si Renato Augstin pa ang coach.

Matapos nito ay hindi na nakapamayagpag ang koponan sa loob ng pitong conferences.

Si Agustin ay hinalinhan ni Olsen Racela  noong nakaraang season at tumagal lang siya ng dalawang conference bago pinalitan ni Gelacio Abanilla III na tumagal din ng dalawang torneo.

Idinagdag ni Ravanes sa koponan sina Sol Mercado buhat sa Globalport at Rico Maierhofer buhat sa Barako Bull. Nawala naman sa team sina Alex Cabagnot at Jason Deutchman.

Kinuha ng Beermen bilang import si Oscar Joshua Boone na makaka-tunggali naman ni Brian Butch.

Ang 6-foot-8 na si Boone ay produkto ng University of Connecticut Huskies na tumalo sa Georgia Tech sa 2004 US NCAA Finals. Kinuha siya bilang 23rd pick ng New Jersey Nets sa 2006 NBA Rookie Draft. Sa apat na taong paglalaro sa NBA, si Boone ay nag-average ng 5.6 puntos at 4.0 rebounds.

Ang 6-foot-10 na si Butch ay produkto ng University of Wisconsin-Madison. Siya ay nahirang na sentro sa 2003 McDonald’s All-American team.

Ang Gin Kings, na natalo sa San Mig Coffee sa nakaraang Philippine Cup semifinals, ay pamumunuan ng import na si Leon Rodgers, isang 6-foot-6 shooter na naglaro sa North Illinois.

Nakapaglaro rin siya sa Dutch Basketball League at Chinese Basketball League.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakatunggali niya ang 6-foot-8 na si Joshua Dollard na naglaro naman sa University of Auburn at University of South Carolina-Aiken. Matapos na hindi mapili sa 2009 NBA Draft, si Dollard ay naglaro sa Switzerland, Canada, Dominican Republic, Czech Republic, Turkey, Greece, Colombia, Finland at Greece.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending