Kathryn sa escort niya sa debut: Automatic na yun, si DJ siyempre! | Bandera

Kathryn sa escort niya sa debut: Automatic na yun, si DJ siyempre!

Ervin Santiago - March 04, 2014 - 03:00 AM

EXCITED na si Kathryn Bernardo sa nalalapit niyang debut. At sa kabila ng pagiging super busy, naglalaan talaga ang dalaga ng panahon para sa preparasyon ng kanyang 18th birthday.

Hands-on ang Teen Queen ng ABS-CBN sa pag-aasikaso ng mga kakailanganin sa kanyang party na gaganapin sa March 26, siyempre gusto ni Kathryn na maging maayos ang kanyang debut.

Mula sa maliliit na detalye hanggang sa invitation at venue ay tinututukan ng dalaga.”Nae-excite na ‘ko. Nag-start na akong kabahan, ganito pala yung feeling ng magde-debut,” chika ni Kathryn.

Dugtong niya, “Hands on kasi ayoko sa kanila ipa-handle lahat. ‘Pag may time ako as in from the invitation, sa gown… Gusto ko medyo alam ko ang nangyayari,” esplika ng “girlfriend” ni Daniel Padilla.

Simple pero makahulugan para sa dalaga ang magiging programa sa party, “Ayoko kasi ng medyo mahabang program eh so may 18 roses of course and then 18 candles. Parang ‘yung 18 candles mixed na ‘yung treasures doon.”

Siyempre, si Daniel na ang magiging escort ni Chichay (karakter ni Kath sa malapit nang magtapos na Got To Believe) sa kanyang debut.  Sey nga ng binata, “Kinukuha ko na eh. Hindi in-assume ko nang ako na yun.”

Reaksiyon naman ni Kathryn, “Di naman na po ata kailangan pang tanungin pa ‘yun. Parang automatic na, parang given na na si DJ ‘yun.”

Gaganapin ang debut party ni Kathryn somewhere in Pasay at ang gagawa ng dalawang gowns na isusuot niya sa kanyang special night ay ang designer to the star na si Francis Libiran.

Siyempre imbitado rin ang mga naging kaibigan niya sa seryeng Got To Believe. Samantala, dinumog ng fans ng magka-loveteam ang Got To Believe finale concert last Sunday sa Globe Circuit sa Makati.

Umaga pa lang ay punumpuno na ang venue para sa mga sorpresang hinanda ng ABS-CBN para sa buong araw na affair.
In fairness, talagang hinintay ng Kathniel fans ang pagdating nina Kath at DJ, hindi sila umalis kahit na gabi nang lumabas ng stage ang dalawang bagets.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending