Magkaka-anak ka (2) | Bandera

Magkaka-anak ka (2)

Joseph Greenfield - March 02, 2014 - 03:59 AM

Ermina, ng Banisilan, North Cotabato
Problema:
1.     Kung alam mo lang kung gaano na ako kasabik na magkaanak.  Anim na taon na kaming nagsasama ng mister ko, hindi pa rin kami makabuo.  Kinakantiayawan na kami ng dabarkads namin dahil kami na lang ang walang baby.  Gusto ko nang maranasan kung paano ang manganak.
2.    Inip na inip na rin ang mister ko.  Kailan ba ako mabubuntis?   Gusto ko nang mag-ampon ng anak ng kamag-anak ko, pero ayaw ito ng mister ko dahil wala raw itong dugo niya.  Magkakaanak ba ako?  Kailan?  April 19, 1979 ang birthday ko at January 29, 1981 ang mister ko.
Umaasa,
Ermina, ng Banisilan, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing upang mas madaling magkaanak, lagi kayong magsiping o magtalik.  Sa ganyang paraan, lalakas ang inyong semilya, sapat upang makabuo ng baby upang pagkatapos ng siyam na buwan, isang malusog na lalaking sanggol ang isisilang.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing bukod sa nabanggit na buwan sa itaas, dapat ding itapat ang pagtatalik sa petsang 7, 16, 25, 3, 12, 21, 6, 15 at 30, upang mas madali kayong  magkaanak, gayon din naman tuwing nasa first quarter hanggang full moon ang buwan sa langit.
Luscher Color Test:
Kailangan ding gumamit ng kulay na pula sa loob ng inyong silid habang nagtatalik upang sumigla ang inyong semilya at lalo pang sumilakbo ang inyong libido.
Graphology:
Dapat mo rin namang lagyan ng bilog na buntot ang letrang “f” sa iyong lagda, sapagkat ang “bilog sa ilalim ng f” ay sumisimboliko ng kalusugang pang-sexual at pagkakaroon ng malusog na lalaking anak.
Huling payo at paalala:
Ermina, ayon sa iyong kapalaran, huwag kayong mainip na mag-asawa, sapagkat itinakda na ang magaganap, sa taon ding ito mabubuo ang isang sanggol sa iyong sinapupunan.  Isang cute at malusog na lalaking sanggol ang ganap na isisilang at magiging bunga ng inyong matamis at panghabambuhay na pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending