Bukod sa mansyon, Coco may sarili na ring farm | Bandera

Bukod sa mansyon, Coco may sarili na ring farm

Cristy Fermin - February 27, 2014 - 03:00 AM


Walang Coco Martin ngayon kung walang Ihman Esturco na nakadiskubre sa kanya nu’ng katorse anyos pa lang ang magaling na aktor. Payat na payat pa nu’n si Dengdeng na pinsang-buo naman ng kaibigan ni Ihman, gusto nang mag-artista nu’n ng guwapong si Coco Martin.

“Pero dahil fourteen years old pa lang siya, sinabihan ko siya na maghintay muna siya ng right time. Patpatin pa kasi siya, batambata pa ang itsura, pero sabi ko, kung habang naghihintay siya, e, may mga dumating na opportunity sa entablado, grab it!” kuwento ni Ihman na nagtatrabaho-naninirahan na ngayon sa Arizona, USA.

Malayong-malayo na nga ang nararating ni Coco na kinuha pala ni Ihman ang pangalan sa kumbinasyong Coco Lee at Ricky Martin, mayaman na rin ang magaling na aktor, marunong siyang humawak ng pananalapi.

Sa Casa Milan kung saan siya nakabili ng lote para patayuan ng kanyang dream house ay malaking atraksiyon ang lugar ng aktor. Nabili na rin kasi niya ang iba pang mga loteng kadikit ng kanyang bahay, meron pa siyang maliit na farm du’n ngayon, dahil vegetarian si Coco.

“Hindi maramot si Dengdeng, iniayos niya ang buhay ng pamilya niya, mahal na mahal niya ang lola niya, talagang hindi niya sinarili lang ang kung anumang meron siya ngayon.

“Matindi ang pinagdaanan niyang hirap, nagtrabaho pa siya sa Vancouver, tagalinis ng bahay ng mga Canadian, maraming-marami siyang pinaghuhugutan kaya ganyan siya kagaling na artista ngayon,” kuwento uli ni Ihman.

Gusto sana naming talakayin ang kuwento tungkol sa sinasabing anak nila ni Katherine Luna, pero huwag na lang, gusto naming respetuhin ang walang muwang na si Nicole na nakakaladkad sa usaping ito.

Ang masasabi lang namin ay maganda ang puso ni Coco Martin. ‘Yun lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending