Ang karma ni Janet Lim Napoles | Bandera

Ang karma ni Janet Lim Napoles

Ramon Tulfo - February 27, 2014 - 03:00 AM

MASYADO namang binibigyan ng VIP (very important person) treatment si Janet Lim Napoles, ang diumano’y utak ng P10-billion pork barrel scam.

Malaki ang ginagastos ng gobyerno upang mapanatili si Napoles sa isang kampo kung saan nagti-training ang mga police commandos.

Daig pa ni Napoles si Pangulong Noy dahil siya’y binabantayan ng mga police commandos 24/7.

Noong ineksamen ang kanyang ovary sa Camp Crame General Hospital, tumigil ang trabaho sa nasabing ospital.

Bumalik sa dating gawi ang ospital nang si Napoles ay umalis na.

Walang pinapasok na mga pasyente dahil sa mahigpit na security sa kanya.

Walastik, daig pa niya si PNoy kapag ito’y nagpa-check up sa isang pri-badong ospital!

Noon ay kayang-kaya ni Napoles na tapalan ng kanyang pera ang mga awtoridad kapag nalantad ang kanyang illegal na mga gawain.

Pero ngayon ay walang halaga ang kanyang limpak-limpak na salapi dahil di siya makalabas sa kulungan.

Nakakulong siya dahil sa serious illegal detention na sinampa ng kanyang dating galamay sa pagnanakaw, si Benhur Luy, na kanyang kamag-anak.

Ang serious illegal detention ay isang non-bailable offense.

Hindi pa sinasampa ang mga kasong plunder dahil sa malaking pagnanakaw ng pondo sa gobyerno.

Hindi rin pinapayagang makapagpiyansa ang isang taong kinasuhan ng plunder.

Kung makakaligtas siya sa serious illegal detention, di siya makakaligtas sa kasong plunder dahil mara-ming testigo laban sa kanya.

Di rin puwedeng suhulan ni Napoles ang mga huwes na didinig sa kanyang mga kasong serious illegal detention at plunder dahil nakabantay ang bayan sa mga kaso.

Tapos na ang maliligayang araw ni Napoles.

Ganyan ang takbo ng karma: Di mo alam kung kailan ito darating o kung sino ang magiging instrumento upang maganap ito.

In the case of Napoles, ang kanyang kamag-anak at pinagkatiwalaan sa kanyang mga pagnanakaw, si Benhur Luy, na kasama rin sa nakawan sa pera ng bayan, ang naging instrumento upang maisakatuparan ang bad karma sa kawatan.

Aakalain ba ni Napoles na mabubunyag ang kanyang kawalanghiyaan?

Ganoon din kapag ikaw ay gumawa ng mabuti sa iyong kapwa: Di mo alam kung kailan darating ang good karma at kung sino o ano ang magiging instrumento upang dumating sa iyo ang gantimpala.

Ang karma kasi ay di lang parusa na kadalasan ay ginagamit sa salitang Tagalog.

Ang karma ay gantimpala rin sa mga ginawa mong kabutihan. Ito’y tinatawag na good karma sa English.

Ang masama o bad karma ay tinatawag na “gaba” sa Kabisayaan.

Parang walang katumbas na kataga ng good karma sa Tagalog at Bisaya.

What comes close to good karma is “suwerte.”

Marahil ay alam ng mga Pinoy na dumarating ang suwerte sa mga taong gumagawa ng kabutihan sa kanilang kapwa.

Bakit palaki nang palaki ang San Miguel Corp. (SMC) at dahil dito ay nabili nito ang Philippine Airlines?

Dahil tumutulong sa mga taong naghihirap ang SMC na pinamumunuan ni Ramon Ang.

Pinangako ni Ang sa gobyerno ang pagtatayo ng SMC ng 5,000 na mga bahay sa mga taong nasalanta ng Supertyphoon “Yolanda sa Leyte at Samar.

Ang kada bahay ay magkakahalaga ng P200,000.

Pinangako rin ni Ang pagpapatayo ng 200 school buildings na nasira ng super bagyo.

Ang generosity ng San Miguel ay di pinaalam sa bayan.

Nakuha ko lang ito sa isang opisyal ng gobyerno na involved din sa rehabilitation effort sa Samar at Leyte.

Ayaw magpakilala ang nasabing opisyal.

Dumating si Ang sa Tacloban City kamakailan sa kanyang private jet, pero siya’y incognito o hindi nagpakilala, sabi ng government official.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-inspection si Ang sa Tacloban City upang malaman niya kung
anong lugar ang pagtatayuan niya
ng mga bahay at schoolbuildings.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending