Marian: Nakakaawa ang mga taong puro kanegahan! | Bandera

Marian: Nakakaawa ang mga taong puro kanegahan!

Alex Brosas - February 27, 2014 - 03:00 AM


Nagpatutsada si Marian Something sa kanyang detractors. In her recent interview ay sinabi niyang kawawa naman ang isang tao kung puro negative ang nakikita nito sa kanyang paligid.

Halatang affected much si Marianita sa huling bira sa kanya concerning her pananaray sa isang TV reporter ng GMA 7. While it is true na medyo nakakairita nga ang tanong, dapat ay naging cool na lang siya sa pagsagot at hindi na nagtaray pa.

Obvious na affected ang kanyang kampo dahil ang balita namin ay nagreklamo sila sa pamunuan ng GMA para sitahin ang staff na nagpakalat ng chismis sa aktres.

Yes, we all want a positive life but in reality ay hindi naman lahat ay positibo sa buhay. You can only best define POSITIVITY after getting through a slew of NEGATIVITY. Intiende?

Kasama talaga sa trabaho ang pagtsismisan ang isang artista kahit na ng staff ng sarili niyang network, ‘no. Kung ayaw ng  isang celebrity na pagtsismisan siya in a negative light ay umayos dapat siya.

Actually, credible pa nga ang mga network staff dahil sila mismo ang nakaka-experience ng mga kung anu-ano sa mga artista.    Pero tama si Marianita when she said na hindi mo naman mapi-please ang lahat.

( Photo credit to Entertainment Inquirer.Net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending