Toxic lifestyle nina Vhong, Deniece, Cedric: Love gone wild
NAPAG-usapan na natin noong una ang tungkol sa masalimuot na isyu na kinakaharap nina Vhong Navarro, Deniece Cornejo at Cedric Lee.
Ngayon, ituloy natin ang kwento nila sa pananaw at pamamaraan na makakapagbigay linaw sa kumplikadong pangyayaring kanilang pinasukan.
Tinalakay na ang ang Health Issue #1 na BUGBUGAN. Talakayin naman natin ngayon ang CONFUSION & CONFLICT: Health Issue # 2 na nakatuon sa kalusugan ng kaisipan. Totoo po na ang lahat ng sakit sa kaisipan ay masasabi natin na simpleng CONFUSION & CONFLICT gaya ng sumusunod.
1. Ang Poong Maykapal ang pinaka-makapangyarihan sa lahat. Hibang ang isang tao kapag ang dino-diyos nya ay ang sarili niya — siya’y makamundo at sa kanyang pananaw ay siya ang pinaka-makapangyarihan sa mundong ibabaw. Ang unang kahibangan na ito ay nagdadala ng yabang, pagiging makasarili, kawalan ng pakundangan sa kapakanan ng kapwa, at paghahangad ng kaligayahan sa lahat ng oras.
2. Sa halip na matutunan kung ano ang tama o mali, ang paniniwala ng tao na siya lang ang laging tama ay isang kahibangan din. Dito nagmumula ang pagiging mapag-husga na laging pinagmumulan ng conflict.
3. Kahibangan ng kaisipan ng isang tao ang hindi ma-kontrol na galit, pagtatanim ng galit at maging bayolente.
4. Dahil sa self-centeredness o pagiging makasarili, nasasaktan tayo kapag hindi natutupad ang hangarin natin, kapag hindi nasusunod ang gusto natin. Nobody can hurt you except yourself. Kahibangan ang mag self-pity.
5. Kahibangan ng kaisipan ang selos at
inggit at kasakiman.
6. Ang Kalabisan ay kahibangan din. Ito ang rason kung paano nagi-ging mabisyo ang isang tao mula sa sigarilyo, alak, droga, pagkain at kahit na ano pa mang ginagamit sa pagpapaligaya.
7. Ang hindi pag-gamit ng rason ay sanhi ng pagiging makamundo at ang katamaran ay parehong kahibangan din ng kaisipan.
Lahat ng ito ay gumugulo sa kaisipan ng tao. Kung gumagawa tayo ng desisyon na magulo pa ang ating kaisipan, sigurado na mali ang desisyon at masama ang resulta nito.Ang puno’t dulo nito ay tungkol sa kung paano dinadala ng tao ang kanyang ego at sarili.
Paano natin magagamit ang kaalaman na ito sa kwento nila Vhong, Cedric at Deneice. Unang-una, ang mga relasyon ng isa’t isa ay hindi tama. Ang pagiging makamundo ay magbubunga ng makamundong gulo. Ang selos ay mahirap labanan kung hindi tayo aalis sa pagiging makasarili. Ang “violence” ay nagpapakita lamang ng kahinaan ng pagkatao.
Ang “manipulative mind” ay tungkol sa pagkakaroon ng kontrol. Oppression ang ginagamit na estratehiya para ma-impluwensyahan natin ang kapwa na gawin ang gusto natin. Hindi na natin kailangan ng detalye para maintindihan ang mga konseptong nabanggit sa kaso ng ating mga bida.
Inaaanyayahan ko ka-yong lahat na sumali sa BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad ng ating kalusugan. Isulat, i-text, ang inyong mga tanong dito sa Bandera. I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09277613906.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.