NAIS ko po sanang itanong sa PhilHealth kung mayroong maternity benefits na covered ang PhilHealth. Mag-iisang taon pa lamang po ako sa trabaho ko kaya’t mag-iisang taon pa lamang pong nahuhulugan ang PhilHealth ko. May limit po ba kung ilang anak ang covered ng maternity benefits?
Anna Guerrero
REPLY: Bb. Guerrero:
Pagbati po mula sa Team PhilHealth!
Ikinagagalak na-ming ipabatid na ang
panganganak ay sakop ng ating programa. Lahat ng kwalipikadong miyembro ay maaaring maka-avail ng mga sumusunod na benepisyo:
Panganganak sa pamamagitan ng normal delivery na isinagawa sa isang accredited na ospital: P6,500.00 (kasama na ang P1,500 na pre-natal component);
Panganganak sa pamamagitan ng normal delivery na isinagawa sa isang accredited na lying-in, maternity clinic o birthing home: P8,000 (wala na pong dapat bayaran pa ang miyembro sa pasilidad dahil sakop na ng PhilHealth ang buong bayarin o ang tinatawag nating No Balance Billing);
Panganganak na pamamagitan ng ceasarean delivery na isinagawa sa isang accredited na ospital: P19,000 (60% ang para sa gastusin sa ospital at ang natititirang 40% ay para sa doktor o professional fee);
Maliban po rito, sakop din ng ating programa ang Newborn Care Package para sa inyong sanggol na nagkakahalaga ng P1,750.
Samantala, sa kasalukuyan po, unang apat (4) na normal na panganganak pa lamang ang covered ng PhilHealth at wala naman tayong itinakdang limitasyon para sa ceasarean delivery.
Ang kinakailangan pong kontribusyon upang makagamit ng benepisyo ay hindi bababa sa tatlo sa loob ng nakalipas na anim na buwan bago ang buwan ng panganganak. Halimbawa, kung ang buwan ng pangananak po ay Abril 2014, kailangan lamang po na may kontribusyon kayo ng hindi bababa sa tatlo mula October 2013 hanggang March 2014.
Narito po ang mga kinakailangan ninyong dokumento sa pag-avail upang maibawas na sa inyong bill ang PhilHealth benefits bago lumabas sa ospital:
1. Maayos na pinunan na Claim Form 1 o CF1. Ito po ay kadalasang
ibinibigay ng ospital kapag na-admit na ang pasyente; o maaari rin po itong i-download mula sa aming website https://www.philhealth.gov.ph/downloads/claim/PhilHealth_ClaimForm1.pdf o maaaring makuha sa kahit saang tanggapan ng PhilHealth. Ang part IV po ng CF1 ay inyong ipapa-accomplish sa inyong employer bilang katunayan na kayo ay mayroong kinakailangang kontribusyon upang maging kwalipikado sa benepisyo;
2. Kopya ng inyong Member Data Record o MDR. Ang lahat po ng miyembro ay binibigyan ng kopya nito sa unang pagkakataon na magpa-rehistro o sa tuwing magpapa-update ng record. Kung kayo po ay walang kopya nito, maaari po itong i-request sa kahit saang tanggapan ng PhilHealth.
Para po sa iba pang katanungan, maaari po kayong mag-email muli o maaaring tumawag sa
aming call center 441-7442 o bumisita sa pinakamalapit naming tanggapan.
Maraming salamat po at magandang araw.
Thank you.
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!t
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.