NANG madagdagan ang mga saksi na nagsasabi na tumanggap si Sen. Jinggoy Estrada ng kickback, lalong lumakas ang paniniwala na siya ay guilty. Syempre.
Dumami rin ang naniniwala na totoo ang balita dahil wala naman daw na inilalabas ang senador na ebidensya na magpapatunay na wala siyang tinanggap na kickback.
At mas mahirap naman yatang i-deny na napunta sa mga bogus na non-government organization na may kaugnayan kay Janet Lim Napoles ang pondo ni Estrada at ng iba pang naakusahan.
Lalo at mayroong mga sulat na ipinapakita ang mga ahensya ng pamahalaan na nagsasabi na ini-endorso nila ang mga bogus NGO.
Isang kaibigan tuloy ang napagtanungan ng foreigner na kasama niya sa gym, ganun daw ba talaga ang mga Pinoy, like father, like son.
Sa isyu naman ng Disbursement Acceleration Fund, bakit ba ayaw pang ilabas ng Department of Budget and Management ang listahan ng pinagkagastusan nito?
Ano ba ang ikinatatakot ni Budget Sec. Butch Abad?
Kung totoo ang balita na napunta ang bahagi ng DAP sa mga NGO ni Napoles, aminin na nila.
Lalabas at lalabas din naman ‘yan. Huwag na nilang patagalin.
At kung wala naman talagang mali sa DAP, gaya ng sinasabi ng gobyerno sa Korte Suprema, bakit hindi pa nila ilabas.
Patunayan nila na ginastos ng tama ng DAP. Naniniwala ako na kung makikita ng publiko na tama ang pinagkagastusan ng pera, kahit tawagin pa itong DAP o kung ano pang pangalan, ay hindi sila aangal.
Sana lang ay totoo pa rin hanggang ngayon ang slogan na “Kung walang korap, walang mahirap”.
Aba, mukhang pa-relax-relax lang talaga ang isang kongresista.
Biruin mo, sa dami ng kinakaharap na problema ng bayan, nakukuha pa niyang mag-basketball.
At hindi lamang siya pumupunta sa court para maglaro, bitbit niya ang sarili niyang electronic scoreboard.
Mukhang talagang kasama na sa buhay ni Cong. ang paglalaro ng basketball.
Noong panahon namin, nagdadala lang kami ng bola papunta sa court. Itong si Cong. score board na ang dala.
Pero, to be fair, ma-galing naman maglaro ng basketball itong si Cong. Sana lang Cong. nauuna ang pagtatrabaho mo para sa bayan ha.
Kahit ba sabihin na mayaman ka at barya lang ang sinusuweldo mo sa gobyerno, unahin mo naman ang kapakanan ng mga kadistrito mo na bumoto sa iyo.
Attend-attend din ng mga congressional hearing pag may time. Huwag puro pa-attendance lang sa sesyon ng plenaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.