Cristine umamin na: Hanggang ngayon nasa puso ko pa rin si Rayver! | Bandera

Cristine umamin na: Hanggang ngayon nasa puso ko pa rin si Rayver!

Ervin Santiago - February 24, 2014 - 03:00 AM


Dinenay ni Cristine Reyes na nagkabalikan sila ni Rayver Cruz, pero inamin niya na “nag-date” nga sila sa Dubai nu’ng magkaroon sila ng show doon para sa The Filipino Channel. Pero friendly date lang daw ‘yun, walang malisya.

Sey ng leading lady ni Paulo Avelino sa number one primetime series ng ABS-CBN na Honesto, sinamantala lang daw nila ni Rayver ang chance na makapag-ikot sa Dubai. Chika ni Cristine, kahit naman daw naghiwalay na sila ni Rayver ay close pa rin sila as friends.

Pero ayaw niyang magsalita nang tapos tungkol sa posibleng pagbabalikan, mahirap daw kasing kontrahin ang mga bagay-bagay sa mundo.

Sabi nga niya sa isang interview, “’Di namin alam ang tatakbuhin ng panahon, ‘di natin alam kung ano ang tatakbuhin ng future namin pareho so might as well na hindi na ako magsalita rin. ‘Di natin kasi alam kung ano ang mga mangyayari.”

Sinabi rin ng aktres na nasa puso pa rin naman daw niya si Rayver at hindi na ito mabubura roon, hanggang ngayon ay higit pa sa kaibigan ang turingan nilang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending