Sam di pumapatol sa bading | Bandera

Sam di pumapatol sa bading

- December 03, 2011 - 03:14 PM


Mark nakaladkad sa Piolo-KC break-up

LAMAN naman ng mga newspapers lately ang pangalan at litrato ni Mark Bautista as the other party raw sa hiwalayang KC Concepcion and Piolo Pascual.

Pinalalabas sa mga balita na may relasyon daw sina Mark and Piolo na siyang  ikinagulat naming lahat.

“You mean, bakla talaga si Piolo? Kung ba-ding si Piolo, si Mark ba talaga ang boyfriend niya? Or baka si Mark ang bading at si Piolo ang papa niya, di kaya?” tanong ng isang PJ fanatic sa akin.

Hindi ako makapag-react dahil pare-pareho lang naman tayong nakikibalita. Hindi ko naman sila nakitang magka-holding hands ni Piolo – bihira ko naman silang nakikita magkasama ni Mark.

Sa pagkakaintindi ko, magkaibigan lang naman daw sila being members of the Victory Christian Fellowship.
“Actually, hindi lang naman sina Piolo at Mark ang natsitsismis, e.

 

Nadadamay din sina Erik Santos and Christian Bautista. Mga ba-ding ba ang mga iyan? Mabuti na lang si Sam Milby sigurado akong hindi bading at hindi pumapatol sa bading. Pero ang mga ito, hindi ako sure,” sabi naman ng isang Sam Milby fanatic.

Kanya-kanya na ng husgahan ang mga fans. Alam n’yo naman ang mga iyan – kung may pagkasasawsawan, go! Enjoy na enjoy sila sa pananaliksik ng mga isyu. Talo pa nga kaming mga reporters kung magbigay sila ng mga opinyon. Ha-haha!  Nakakaloka!

Sa mga lumalabas na mga items kina Piolo and Mark ngayon, may tumutukoy na si Mark daw yung nahuli ni KC na nakatalukbong ng kumot na lumalabas sa kuwarto ni Piolo nang minsang mag-surprise visit ang dalaga sa condo unit ng boyfriend niya.

Nagtaka raw siya kung bakit may apat na paa na nakatalukbong ng kumot sa kama na iyon at nakita raw niyang sina Piolo and Mark iyon. Really? Totoo ba talaga ang balitang ito? I can’t believe it.

Or puwede rin naman daw na nag-sleepover lang si Mark sa bahay ni Piolo dahil magbarkada naman sila at since inumaga na raw ito ay doon na nagpalipas sa kuwarto ni PJ. Nangyayari naman iyan sa magbabarkada, di ba?

“Bakit? Wala bang kotse si Mark para makauwi? Sanay namang inuumaga iyan sila pag may show, di ba? Kaya imposibleng kaya siya nakitulog sa kuwarto ni Piolo dahil natakot na siyang umuwi.

O sige, just for the sake of argument, ipagpalagay pa nating nakitulog siya kina Piolo, bakit kailangang magkasama silang nakatalukbong ng kumot? Paano niya ipapaliwanag ito?” tanong ng mahaderang analyst kuno.

Wait! I-confirm n’yo munang maigi kung totoong sila nga yung nakatalukbong ng kumot. Baka gawa-gawa lang naman ang kuwentong iyan.

Kailangang marinig muna natin sa mga bibig ni KC kung totoo ito. Alam n’yo naman ang ibang mga kababayan natin, magaling gumawa ng kuwento.

Baka gusto lang talaga nilang sirain ang pagkatao nina Piolo at Mark? Baka may mga galit lang sila kaya gusto nilang dungisan ang kanilang pagkatao. Kita n’yo na, medyo na-tarnish tuloy ang image ng dalawa, people now think that they are gay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kungsabagay, para sa aming mga members of the third sex, wala naman sa amin kung bading din sila like us kasi choice naman natin ito. For as long as wala kang inaapakang kapwa mo, walang masama sa pagi-ging gay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending