Bagong rape victim daw ni Vhong pinagtawanan lang, di sineryoso | Bandera

Bagong rape victim daw ni Vhong pinagtawanan lang, di sineryoso

Ambet Nabus - February 22, 2014 - 03:00 AM


KAGAYA ng karamihan ay hindi na rin kami nagulat sa balitang may nagsampa uli ng kasong rape laban sa aming papa Vhong Navarro na obviously ay sumasakay o nagpapagamit sa kung kaninuman para idiin ang aktor-TV host.

Kahit noong hindi pa naglalabasan ang mga ebidensya mula sa CCTV mula sa condo unit na tinitirhan ni Deniece Cornejo, ay mayabang na ang pahayag ni Cedric Lee na mayroon pang ibang mga babae na lalantad para akusahan ng pangmomolestiya si Papa Vhong.

Gusto man naming bigyan ng benefit of the doubt ang babaeng lumantad at nagsabing ginahasa siya umano ng aktor some four years ago (2010 pa raw naganap ang umano’y rape), pero parang kailangan pa naming mag-isip ng ilang beses bago kami mag-decide.

Kasabay nito, kinumpirma nga ng abogado ng nasabing girl na naisampa na nila ang kasong rape laban kay Vhong. Hala, sige lang kayong mga abogadong walang magawa at gusto ng piece of whatever fame sa rigodon ng media publicity, gorah nang gorah sa paghahanap pa ng ibang nabiktima umano ni Papa Vhong para lumakas naman kahit paano ang kaso nina Cedric at Deniece laban sa komedyante.

Kasi, mukhang pinagtawanan at di naman sineseryoso ng ilan nating mga kababayan ang bagong kasong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending