‘Hindi santo si Vhong...wag n'yo munang husgahan si Roxanne!’ | Bandera

‘Hindi santo si Vhong…wag n’yo munang husgahan si Roxanne!’

Jobert Sucaldito - February 22, 2014 - 03:00 AM


NU’NG isang araw ay may pangalawang babaeng nagsampa ng rape case against Vhong Navarro sa gitna ng kontrobersiyang nasuungan ng actor-TV host with Cedric Lee and Deniece Cornejo.

Kung natatandaan ninyo, unang nagsampa ng rape case kay Vhong si Deniece na obviously ay isang malaking gawa-gawa lang dala na rin sa inconsistencies sa sinumpaang-salaysay ng girl.

Base na rin sa pagtutok natin sa kaso nila, halatang bengga lang ni Deniece ang rape case laban kay Vhong when in fact, halata namang walang rape or even an attempt sa kaniya.

Supported naman by facts ang evidences na wala naman talagang panghahalay na naganap though alam nating merong plano sina Deniece at Vhong that fateful night of Jan. 22.

Anyway, this 24-year old former beauty candidate named Roxanne Acosta Cabanero filed a rape case against Vhong, sabi niya, four years ago nangyari ang panggagahasa when she was just 20 years old.

Nakilala raw niya si Vhong nu’ng mag-guest silang mga kandidata sa Showtime.  Pinakuha yata ni Vhong ang phone number niya and they communicated since then.

Masyado raw kasing natuwa o na-flatter si Roxanne dahil isang Vhong Navarro ang nagpahayag ng interest sa kaniya – sikat kasi at mukha namang mabait.

Then pinuntahan daw siya ni Vhong sa hotel na kinaroroonan nilang mga kandidata and there it went.  Nasa sinumpaang-salaysay ni Roxanne na hinalay diumano siya ni Vhong.

And there she got a never-ending bashing mula sa netizens natin na automatic na ang pagkampi kay Vhong on this issue. Some would say na kesyo bayarang babae naman daw itong si Roxanne.

May iba namang nagsabing kaya ito lumabas para sumikat at baka gusto lang mag-artista. May nagsasabi namang kaya raw ito lumantad dahil binayaran lang daw ni Cedric Lee para makapaghiganti at masira si Vhong.

May nagsasabing kabit daw kasi ito ni Cedric. Maraming pamba-bash ang natatanggap nitong si Roxanne mula sa social media – kung nakamamatay lang ang bashing na ito, malamang na 80,000 feet below the ground na ang babae.

How can some people be so cruel? Dahil sablay si Deniece Cornejo sa rape case nito against Vhong ibig sabihin lahat na lang ng lalantad na babae ay sablay din?

Ang sasakit ng mga ibinabatong tirades ng maraming netizens dito kay Roxanne. Regardless kung bayaran man siya o pinakamaruming babae siya sa mundo, wala na ba siyang karapatang pumiyok kung na-violate nga naman ang kanyang karapatang-pantao?

Let’s respect her naman just like how we respect everyone on earth. Kung pakaisipin nating mabuti, kaya lang naman nakuha ni Vhong ang public sympathy dahil sa pambubugbog sa kanya ng grupo ni Cedric Lee, which is mali.

Hindi dapat inilagay ni Cedric ang batas sa kaniyang kamay. Plus the fact that Vhong is very popular – ganda ng image na pinroject sa public dahil magiliw at mukhang mabait naman kaya sa kaniya naniniwala ang mga tao.

But mind you, Vhong is like anyone of us – he’s no saint. Marami rin siyang mali rito. Unang-una, may GF na siya pero nakuha pa niyang kumalantari sa ibang babae at nagkataong may sabit pala kaya hayun, na-set-up siya.

Nagkataon na ang naapakan niya ay maimpluwensiyang tao kaya napasama siya. Inamin naman ni Vhong that he was into sex with Deniece, di ba? Oral sex nu’ng una and hoping siyang maka-score na the next time.

Pero naunsiyami nga, minalas. Outside of It’s Showtime daw kasi ay merong sariling mundo itong si Vhong and he knows that.
Ang tanong naman ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga ay bakit ngayon lang lumantad si Roxanne kung four years ago pa pala nangyari ang panggagahasa.

What a timing daw. Naku naman, Atty. Mallonga – para ka namang painosente-effect – abogada ka at alam mong may mga pagkakataon talagang hindi agad-agad nakakakilos ang mga biktima.

Malay mo, baka nag-iipon pa ng lakas o di kaya makisabay sa panahong nabubuksan ang reklamong tulad ng sa kanila bago niya naisip na lumantad na dahil nakahanap ng kakampi.

Kumbaga, huwag naman nating daanin sa trial by publicity ang lahat. What if nangyari talaga iyon? Halimbawa lang, totoong nag-attempt si Vhong na gahasain siya?

What if totoong pinilit talaga siya ni Vhong to perform sex na labag sa kaniyang kalooban?  Kasi nga may batas tayo sa mundong ibabaw, kahit ikaw na ang pinakamaruming tao sa mundo pero labag sa kalooban mo ang pinagagawa sa iyo, you have the right to say NO.

You have the right to protect your right. Marami kaming nakakausap na mga kalalakihan na nakakasabay ni Vhong sa bar-hopping niya. Meron daw talagang ganoong kuwento kay Vhong.

Namimilit daw talaga ito ng babae. And mind you, hindi lang daw iyon ang trip niya, may kasamaan daw ang tabas ng bibig nito kapag nakikipaglandian sa babae, dinadaan daw niya sa dirty talk.

Kaya huwag tayong mapaghusga sa isyung ito, alamin muna natin ang likod at harap ng istorya bago tayo magbato ng masasakit na comments against this girl.

Just to reiterate, Vhong is no saint. He’s one of us too. May kahinaan din at iba ang mga trip sa buhay. Kasi kung matinong lalaki rin talaga si Vhong, wala siyang dapat ipangambang may iba pang maglalabasan.

The fact na merong isa-isang naglalabasan at hindi basta-basta mga babae ha, may ibig sabihin niyan. That will speak for Vhong Navarro’s character off-cam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending