Kasambahay libre na sa ospital, libre pa sa gamot
TINATAYANG na sa 1.9 milyong kasambahay ang maaari nang makinabang sa benepisyo ng PhilHealth.
Saklaw na ng bagong programa ng PhilHealth ang lahat ng kasambahay na naospital na wala na silang babayaran, base na rin sa ilalim ng “No Balance Billing Policy”.
Nagpatupad ang ahensiya ng “point-of-care- enrolment program” para sa mga mahihirap o ang mga nabibilang sa tinatawag na “poorest of the poor”.
Sa kanilang pagpapa-gamot, kabilang na ang kanilang mga dependents, sa mga pampublikong ospital, sinisiguro ng PhilHealth na wala silang babayaran sa ospital bukod pa sa libre na sila sa mga gamot.
Saklaw ng PhilHealth benefits ang mga inpatient at outpatient.
Sa ilalim ng “No Balance Billing Policy”, si-nisigurado ng PhilHealth na bukod sa mga umiiral na mga benepisyong nakalaan sa mga miyembro nito, hindi na magdadalawang isip ang mga kababayan nating mahihirap na magpagamot.
Ang bagong programa ng ahensiya ay nakalaan sa mga pasyente na kabilang sa Class C-3 o D.
Ang mga nabanggit kasama ang kanilang dependents ay bibigyan ng PhilHealth bilang Sponsored members kung saan ang kontribusyon na P2,400 ay buong-buong sasagutin ng pampublikong ospital. Gayunman, kinakailangan pa rin na mapatunayan na sila nga ay kabilang sa sinasabing “poorest of the poor” na pamilya..
Ang mga ospital na lalabag dito ay maaari namang maharap sa sanction o kaparusahan.
Sa pagtaya, aabot sa may 14.7 milyong mahihirap na pamilya ang maaaring makinabang sa programa.
Ang PhilHealth bilang pangunahing ahensiya ng gobyerno na nagpapatupad ng health insurance ay nagdiriwang din ng National Health Insurance Month kasabay ng ika-19 taon nitong anibersaryo. Isinusulong ng ahensiya ang kanilang kampanyang “Benipis-yong PhilHealth, alamin at Gamitin”.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!t
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.