Andrew Wolff inireklamo ng panununtok | Bandera

Andrew Wolff inireklamo ng panununtok

Ervin Santiago - February 13, 2014 - 03:00 AM


Inireklamo kahapon ng panununtok ang model-actor na si Andrew Wolff sa Makati City Police Station, sa Yakal St., sa Ayala Avenue.

Sa report ng Andar Ng Mga Balita sa Aksyon TV, inakusahan ng pananakit ng 54-anyos na si Alfredo Bagunu si Andrew matapos silang magkaengkuwento sa isang parking lot ng mall sa Makati.

Kitang-kita sa ulat ng News5 na namamaga ang pisngi at may galos sa mukha si Bagunu habang nasa presinto. Sa statement ng biktima, dakong alas-8 ng gabi nang dahan-dahan siyang nagpa-park sa nasabing mall nang bigla na lang may kumalabog sa likod ng kanyang van.

Dahil daw madilim sa lugar, hindi raw niya nakita na nakatayo roon si Andrew. Dito na raw tinadyakan ng model-athlete ang likod ng sasakyan ni Bagunu.

Ilang sandali pa ay lumapit na si Andrew sa biktima at sinuntok na diumano sa magkabilang pisngi. Hindi na nagdemanda ang biktima matapos silang magkasundo ni Andrew Wolff sa harap ng mga pulis.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending