James kinampihan ni Kris: Walang dahilan para ibenta niya ang laro! | Bandera

James kinampihan ni Kris: Walang dahilan para ibenta niya ang laro!

Ervin Santiago - February 13, 2014 - 03:00 AM


TRENDING topic ngayon sa mga social networking sites ang Game 6 ng PBA semifinals kamakailan. Inaakusahan kasi si James Yap na miyembro ng San Mig Coffee na nagbenta raw ng laro.

Tinalo sila ng Ginebra San Miguel Kings sa nasabing game. Base sa ulat, sa mga huling segundo ng nasabing laro sa pagitan ng dalawang koponan last Monday, magkasunod na natawagan ang ex-husband ni Kris Aquino ng loose ball foul kasabay ng pagsablay ng kanyang 3-point shot. Dahil dito, butata ang team ni James sa score na 94-91.

Kagabi ginanap ang do-or-die battle sa pagitan ng dalawang team, at ang nagwagi nga sa labang ito ang siyang papasok sa finals. For sure ngayon, alam n’yo na kung anong koponan Aang havey at kung anong team ang waley!

Kasunod nito, nu’ng Martes ng gabi, sa bagong programa ng ABS-CBN na Aquino And Abunda Tonight, kinampihan ni Kris ang dating mister laban sa mga bashers nito na nagsabing ibinenta raw ng player ang nakaraang laro.

Hirit ng Queen of All Media, “Sa matagal na panahon na kilala ko si James Yap, at nakilala ko ang buong pagkatao niya, hindi niya gagawing magbenta ng laro dahil buong buhay niya, ibinuhos niya for that.”

Napapangiting sabi pa ni Kris, “He’s gonna love me for this. Matutuwa siya dito sa sinasabing kong ‘to.” Hindi raw naniniwala si Kris na kayang mandaya ni James, “As somebody who used to read the contracts of James Yap, pag pumasok sila sa finals, kahit anong benta ang sinasabi nila, matutumbasan yun ng kikitain nila by making it to the finals.

“Ganu’n kalaki ang kontrata niya. There’s no reason for him to sell the game. And at the end of day, you are as good as your last game,” pahabol pa ng TV host-actress.

Biniro naman ni Boy Abunda ang kanyang partner sa show dahil sa pagtatanggol nito kay James, “You know, if I didn’t know that you were separated, I would think you’re still so in love.”

Na sinsagot naman ni Kris ng, “No, my god! Hindi! You know why, Boy, I’ve released all the anger from my heart.” At bago pa nila tapusin ang nasabing topic, nag-dialogue pa si Kris ng, “On Saturday, happy birthday, James.

Alagaan mo si Bimby at si Josh, nasa iyo sila. Be good.” Birthday ni James sa darating na Sabado, Feb. 15, bukas naman ang kaarawan ni Kris, Araw ng mga Puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending