Sarah mababaliw sa sobrang pakikialam ni Mommy Divine | Bandera

Sarah mababaliw sa sobrang pakikialam ni Mommy Divine

Jobert Sucaldito - February 13, 2014 - 03:00 AM


SARAH Geronimo is no little girl anymore – she is already 25 years and I can imagine a grown-up lady – actually a full-grown woman capable of falling in love.

Kahit sinong nilalang sa mundo ay dumadaan sa stage ng kaniyang buhay kung saan kumakabog na ang puso nito in the name of love.

Hindi ito dapat pagtakhan ng kaniyang stagemother na si Divine dahil for once sa buhay niya ay nakaranas din siyang umibig – at ito ngang si Delfin ang ama nina Sarah at kaniyang mga kapatid.

Kaya hindi ko talaga ma-take ang sobrang paghihigpit ng kaniyang ina sa lovelife ng anak. Sikat si Sarah, yes, pero tao rin iyan, may damdamin, at karapatan niyang magdesisyon para sa kaniyang sarili.

Hindi sa nakikialam tayo sa ina niya o sa kahit sinong miyembro ng pamilya niya, they may have their reasons kung bakit ganoon sila kahigpit kay Sarah (valid man o hindi sa pakiwari natin – kebs!) pero dapat lang na bigyan naman nila ng kalayaan ang anak nilang mamuhay ng normal at isa na rito ay ang usaping-pag-ibig.

Kung talagang mahal nila si Sarah ay dapat nila itong palayain kahit konti lang – hayaang ma-in love, at masaktan kung kinakailangan para maramdaman niya ang tunay na essence ng pagiging tao.

Hindi dapat matakot si Divine na maapektuhan ang showbiz career ng anak dahil kung sa pakinabang sa kaniya, almost all her life ay nagtrabaho ang batang iyan.

Marami na silang kinita mula sa pagtatrabaho ni Sarah at napakarami pang kikitain. Ilang beses na bang nabigo si Sarah sa pag-ibig nang dahil sa sobrang pakikialam ng kaniyang ina? That’s very cruel. Hindi na ito makatao.

Nu’ng una ay naudlot ang pagmamahalan nina Sarah at Rayver Cruz. Nasaktang muli nang umibig kay Gerald Anderson. Ang dalawang ito ay biktima ng sobrang kahigpitan ni Divine sa kaniyang anak.

Ni hindi nga halos magkita sina Sarah at dalawang ex nito. Kahit sa text ay bawal para kay Sarah. Hindi robot ang anak niyo!
“Natatakot siguro si Divine na mabawasan ang kinikita ng anak kapag nagka-boyfriend.

Bakit? Hinuthutan ba nina Rayver at Gerald si Sarah? May sariling pera ang dalawang iyon, ‘no! Masyado lang talagang istrikto si Divine sa anak, gusto niya siya lang ang maligaya.

Ang anak niyang nagkakandakuba na sa trabaho ay hindi man lamang mabigyan ng karapatang lumigaya.”Kung ako sa kanila, ipasok na lang nila sa kumbento si Sarah para magmongha.

Huwag na lang nilang pag-artistahin. Patigilin na nila. Halatang-halata talaga itong nanay ni Sarah na sumobra naman yata ang pagkapraktikal.

Napakasuwapang niya para pati puso ng anak ay hindi palayain. Kung ako kay Sarah, lalayasan ko ang nanay kong niyan. Ang nakakatakot, baka bigla na lang mabaliw si Sarah!” anang isang ardent admirer ni Sarah na naapektuhan na rin sa pangyayari.

Ngayon ay tumibok muli ang puso ni Sarah – kay Matteo Guidicelli na galing sa disenteng angkan. Edukado, guwapo, may sariling kita, magaling na athlete, mabait – what else? Name it, halos lahat ng katangian ng isang ideal man ay na kay Matteo na pero anong nangyari?

Nu’ng una ay oks-oks lang daw kay Divine ang eksena nina Sarah at Matteo, akala raw kasi niya ay pang-showbiz lang yung special friendship ng dalawa.

Nang malaman daw niyang iba na, at nakumpirmang magsyota na ang dalawa, agad-agad nitong sinermunan si Sarah. Pinagalitan at inuutusang iwasan si Matteo. Gosh! What the heck?

Nagkatampuhan daw sina Sarah at ang kaniyang ina. Nagrebelde nga raw si Sarah sa pamamagitan ng pagpapagupit ng buhok. Hindi na raw inalintana ng singer-actress ang anumang parusang maaaring ipataw ng shampoo company na ine-endorse niya maipadama lang diumano ang hinanakit sa ina.

Pero hanggang ganoon lang daw ang kaya ni Sarah, ang magputol ng buhok para sign of rebellion. Pero for a while lang daw at mukhang lumambot naman daw ang puso ni Sarah for her mom.

Ngayon daw ay okay na sila ulit. Paano na ang pag-iibigan nila ni Matteo? Does this mean na payag na siyang iwasan si Matteo dahil iyon ang utos ng kaniyang ina?

Puwes, kung iyon pa rin ang susundin ni Sarah, wala nang ibang puwedeng sisihin dito kungdi ang sarili na niya mismo. She cannot even fight for her love.

In that case, the mother and daughter tandem na ito just deserve each other. Kaya next time na ma-involve si Sarah with the next man, huwag na natin siyang seryosohin. Pag ganyan nang ganyan si Sarah, tatandang dalaga na iyan. Believe me.

With that, gusto lang naming iparating kay Divine that in case Sarah loses Matteo this time, it’s her daughter’s loss, not Matteo’s.
Napakaraming babae ang nagkakandarapang mahalin ni Matteo pero kay Sarah niya itinuon ang pansin niya.

Kung naging babae lang ako, Diyos ko, first day pa lang ay pinikot ko na si Matteo. Ha-hahaha!  Meron bang doktor diyan na gawin ang mukha at katawan kong parang si Sarah Geronimo.

Boba na lang ang babae o baklang pakakawalan si Matteo. Sorry na lang talaga si Sarah kapag tuluyan ka nang layuan ni Matteo. Sorry talaga! Nasa huli lagi ang pagsisisi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending