‘Hindi bale nang magnakaw, huwag lang mamakla!’ ni Tado umingay uli | Bandera

‘Hindi bale nang magnakaw, huwag lang mamakla!’ ni Tado umingay uli

Cristy Fermin - February 09, 2014 - 03:00 AM


Ang buhay nga naman. Totoo ang kasabihan na ang buhay ay isang malaking utang na papatak-patak lang ang kabayaran.
Kapag takdang oras na para bawiin sa atin ang hiram na buhay ay walang makatatanggi, sa anumang dahilan at paraan, anumang hiram ay kailangang ibalik kapag oras na.

Nakalulungkot at nakapanghihinayang ang maaga at masaklap na pagpanaw ng komedyanteng si Tado, Arvin Jimenez sa tunay na buhay, unang hinangaan at kinaaliwan ng aming mga anak at ng iba pang mga kabataang Pinoy sa palabas na Strange Brew ilang taon na ang nakararaan.

Sa mayaman at maimahinasyong utak din ni Tado nagmula ang gasgas nang kasabihgang, “Hindi bale nang tamad, hindi naman pagod,” saka ang kinaiinisang linya ng mga becki na, “Hindi bale nang magnakaw, huwag lang mamakla,” ang mga ganu’ng litanya ang nakadisenyo sa mga likha niyang t-shirts na pambenta.

Binabaybay ng sinakyan niyang bus ang Bontoc, Mountain Province, pero sa isang iglap, nahulog sa bangin ang sasakyan at napakaraming namatay sa aksidente.

Alam namin ang mismong itsura ng bulubunduking lugar na ‘yun, nu’ng nakaraang taon kasama ang aming mga anak, pamangkin at mga anak-anakan ay binaybay rin namin ang Mountain Province, du’n mismo kami nananghalian sa Bontoc.

Matarik ang bangin sa bahaging ‘yun, kailangan talaga ang dahan-dahang pagmamaneho, dahil may kakitiran na ang daan ay pataas-pababa pa.

Napakaganda ng lugar, parang likhang-sining, pero napakalakas din ng imbitasyon sa aksidente. Du’n nahulog ang bus na sinasakyan ni Tado, pero bago siya bumiyahe ay marami na siyang ipinost na merida sa kanyang FB, tinawag niyang pinakamahabang biyahe ng kanyang buhay ang lalakbayin niya kinabukasan.

Isang mapayapang paglalakbay sa isang komedyanteng minsan isang panahon ay nagpaluwal ng mga ngiti sa aming labi sa kanyang kakaibang uri ng pagkokomedya.

Paalam, Tado.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending