HOROSCOPE, FEBRUARY 07, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, FEBRUARY 07, 2014

Madam Sophia - February 07, 2014 - 03:59 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Bukod sa pagbo-blow-out, simulan ang araw sa pagsisimba. Isama ang kasuyo sa simabahan o sa anumang lugar na may kaugnayan sa religious service.  Sa ganyang paraan, tuluy-tuloy ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran sa taong ito ng 2014.  Mapalad ang 4, 7, 20, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—  Kikita ka ng malaking halaga kung papanatiliin ang pagiging “low profile”. Sa pag-ibig, huwag dominahan ang kasuyo upang huwag siyang magtanim ng galit at sama ng loob. Mapalad ang 9, 18, 21, 28,  42 at 46. Mahiwaga mong mantra:  “Ananda-Marga-Om.” Red at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Sikaping mapaligaya ang kasuyo upang habang lumalapit ang Valentine’s Day ay lalo pang umigting ang inyong pagmamahalan. Kapag laging masarap at magana ang relasyon ay mas medaling makakamit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Lilac at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—   May oportunidad na darating sa pangingibang-bansa – sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, huwag nang pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre, katugma mo siya. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Blue at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Pera na naman ang magiging problema! Itigil na kasi ang negosyong hindi  naman kumikita. Sa pag-ibig, sundin ang suhestyon ng kasuyo na magtipid-tipid muna at huwag mapapautang sa mga manunuba at balasubas. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” White at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Huwag patulan ang isang kasamahang atrabida, sisirain lang niya ang araw mo. Mag-concentrate sa ginagawa at huwag masyadong makipagdaldalan. Sa pag-ibig, sa kasuyo ikuwento ang lahat ng sama ng loob dahil mauunawaan ka niya. Mapalad ng 1, 4, 16, 24, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Yellow at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Isang nilalang na kayumangi at kulot ang buhok ang dapat iwasan upang hindi mapahamak ang love life. Sa pinansyal, kung sakali mang magkaroon ng hindi masayang love life, ang kapalit naman nito ay malaking tagumpay sa career. Mapalad ang 5, 9, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Rama.” Gray at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Magiging magara ang kapalaran! Magkahalong suwerte at malas ang darating. Sa pag-ibig, sisisihin ka na naman ng kasuyo sa kasalanang hindi mo naman ginawa. Huwag sabayan ang kanyang galit! Mapalad ang 3, 9, 29, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Aum-Bodhana.” Lilac at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Labis lamang ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya siya madalas magselos. Mamayang gabi, romansahin mo siya nang todo upang mawala ang pagka-praning. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain upang yumaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Walang ibang maasahan upang umunlad at umangat ang kabuhayan ng inyong pamilya kundi ikaw. Kaya obligado kang magsipag! Sa pag-ibig, iwasang awayin ang kasuyo, upang wag mapurnada ang mainit na romansa. Mapalad ang 3, 15, 27, 37, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Pink at  maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Gagantimpalaan ka ng Maykapal dahil sa pagiging matungin. Kusang madadagdagan ang kita habang tumutulong ka sa iyong kapwa. Sa pag-ibig, lalong iinit ang pakikipagniig sa isang Cancer. Mapalad ang 8, 14, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Gold at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—   Sariling intuition ang sundin upang kumita ng malaking halaga at upang habambuhay ka ng lumigaya. Sa pag-ibig, magmahal ka lang nang magmahal hanggang matuhog mo ang iyong soul mate. Mapalad ang 5, 19, 22, 31, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Agiel, Om-Zazel.” Magenta at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Panahon na upang pasyalan ang mga romantikong lugar.  Iplano ang paglalakbaw sa Boracay at Palawan.  Sa ganyang paraan ay lalong iinit at sasarap ang inyong relasyon. Mapalad ang 7, 13, 25, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Red  at violet ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending