Vhong humingi na ng tulong kay Mar Roxas, bibigyan ng dagdag-seguridad
HINDI lang sa ospital paiigtingin ng PNP ang pagbabantay kay Vhong Navarro kundi pati na rin sa bahay nito dahil patindi na nang patindi ang banta sa kanyang buhay.
Nakipag-meeting na ang kampo ni Vhong sa pangunguna ng kanyang manager na si Direk Chito Roño kay DILG Sec. Mar Roxas para humingi ng karagdagang seguridad, ito’y matapos ngang makatanggap ng mga bagong death threats ang TV howt-comedian.
Sa panayam ng Bandila sa abogado ni Vhong na si Atty. Dennis Manalo inesplika nito kung bakit mas kailangang bantayan ng otoridad ang komedyante, “..sa bahay ni Mr. Vhong Navarro, na merong hindi kilalang tao na umaaligid.
Aside from this, Mr. Vhong Navarro has been receiving anonymous text messages. Through the PNP, we have been advised that they will immediately provide police visibility in the residence of Mr. Vhong Navarro to assure that there will be no further threats or attack that can be inflicted upon him.”
Kasabay nito, umapela rin ang kampo ni Vhong sa PNP kung maaaring i-revoke ang lisensya ng baril ng diumano’y mastermind sa pambubugbog kay Vhong na si Cedric Lee, “We asked for a revocation and we have been assured that it will reviewed.
Lahat po ng kanilang baril titingnan.” Pero kinontra naman ito ng legal counsel ni Cedric at ni Deniece Cornejo na si Atty. Howard Calleja, aniya, ang mga kliyente niya ang kailangang bigyan ng seguridad ng PNP at ng NBI, “If there’s one person that needs security, that needs special attention, that needs to be secured by the PNP, by the DILG, it should be Deniece Cornejo.
Tingnan mo lang yung mga social sites e, sasabuyan kita ng asido, pagtatangkaan kita…” In fairness, totoo namang grabe na ang mga pagbabanta at pananakot ng mga netizens kina Deniece at Cedric, siguro tama lang na hindi lang si Vhong ang protektahan ng otoridad, dapat parehong kampo ang bantayan nila dahil hanggang ngayon naman ay hindi pa talaga napapatunayan kung sino ang biktima at kung sino ang suspek.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.