One-on-one with Ian Sangalang | Bandera

One-on-one with Ian Sangalang

Eric Dimson - February 02, 2014 - 03:00 AM


KASALUKUYANG tabla sa 1-all ang PBA Philippine Cup semifinals series sa pagitan ng San Mig Coffee at Barangay Ginebra San Miguel. Ang San Mig rookie na si Ian Sangalang ang isa sa maganda ang ipinakita sa unang laro ng best-of-seven series. Ang second overall draft pick at dating NCAA Most Valuable Player ay may averages na 9.12 points at 5.82 rebounds per game sa 22.47 minutes na playing time. Sa isang ekslusibong panayam kay Eric Dimzon, ikinuwento ni Sangalang ang kanyang pinagdadaanan bilang isang rookie sa PBA.

Ano ang masasabi mo na isa ka sa mga rookies na napapansin ngayon sa PBA?
Natutuwa ako na isa ako sa mga rookies na napapansin. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sa binigyan ako ng ganitong pagkakataon.

Masaya ka ba sa San Mig Coffee?
Sobra. Sobrang sayang ko sa San Mig Coffee. Nung unang practice ko, nung una kong makilala ang mga tao dito, hinding-hindi ko makakalimutan ang uri ng pag-welcome nila sa akin. Kaya sobrang saya ko rito.

May pagkakaiba ba ang PBA sa NCAA at D-League?
Sa PBA, lahat magagaling. Wala kang itatapon. Sobrang magugulang lahat. Hindi tulad sa NCAA.

Nanibago ka ba sa PBA?
Sobra akong nanibago. Talagang malalaki at magagaling ang kalaban sa PBA. Pagdating ko sa PBA, akala ko malaki na ako. Hindi pala.

Handa ba ang San Mig Coffee sa Ginebra?
Prepared kami. We’ll take it one game at a time. Kailangan talaga handa kami para hindi kami matakot. Pag handa ka, alam mo na kaya mo.

Handa ka bang tapatan si Greg Slaughter?
Ako, handa ako. Kahit sino ang maging kalaban, basta bigyan ng pagkakataon ni (San Mig Coffee) Coach Tim (Cone), gagawin ko ang makakaya ko. Walang malaki, malaki. Laro lang.

Umaasa ka bang manalo ng Rookie of the Year award?
Hindi ko iniisip ang Rookie of the Year award. Ang gusto ko lang, makatulong sa team. Pero kung ibibigay ‘yun, sobra akong magpapasalamat.

How far do you think San Mig Coffee will go?
Sa palagay ko, kaya namin umabot sa finals.

Sino si Ian Sangalang off the court?
Simpleng tao lang ako. Kung ano ang ikatutuwa ng mga tao, ‘yun ang gagawin ko. Gusto ko lahat masaya. Nagsisimba rin ako pa wala sa court. Parang may kulang sa akin pag hindi ako nakapagsimba.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending