Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
3:30 p.m. Rain or Shine vs Petron Blaze
SASAGPANGIN ng Rain or Shine ang 3-0 kalamangan kontra Petron Blaze sa kanilang sagupaan sa Game Three ng best-of-seven semifinal round ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang alas-3:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nakabangon ang Elasto Painters sa masagwang simula at sa 16 puntos na abante ng Boosters upang magwagi sa Game Two, 103-94, para sa 2-0 abante.
Napanalunan ng Rain or Shine ang Game One, 103-95, kung saan idinikit nito ang laro mula umpisa hanggang dulo. “It was a physical game, but that is really our game,” ani Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao.
“For a while I thought it was a lost game but the guys did not give up. We carved up a hard win.” Napigilan ng Petron Blaze ang pagtakbo ng Rain or Shine sa Game Two at nakalamang, 32-18, sa katapusan ng first quarter.
Subalit nakahabol ang Elasto Painters at dumikit, 49-46, sa halftime break. “It’s a testament to the mental toughness of the boys. The game may be physical but it’s still mental,” ani Guiao.
Ang opensa ng Petron Blaze ay patuloy na nanggagaling sa higanteng si June Mar Fajardo na nagtapos na may 20 puntos. Kaya naman todo ang depensa ng Rain or Shine kay Fajardo na pinipigilan ng apat na manlalarong sina Beau Belga, JR Quinahan, Raymond Almazan at Larry Rodriguez.
“2-0 is a good place to be at this point. But we need two more wins and that won’t be easy,” dagdag ni Guiao na patuloy na aasa sa opensa nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee at Ryan Araña.
Sa kabila ng pagkabigo sa unang dalawang laro ng serye, naniniwala si coach Gelacio Abanilla III na kaya ng Boosters na makabawi.
Napigilan nga nila ang running game na sandata ng Rain or Shine sa Game One kung kaya’t sinasabi ni Abanilla na mental focus na lang ang kailangang mapaganda ng kanyang mga bata.
Si Fajardo pa rin ang pangunahing sandata ng Boosters subalit kailangan itong matulungan nina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Lutz at Doug Kramer kung hangad ng Petron na makaisa sa Rain or Shine.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.