Malinaw ang mga eksena sa CCTV, walang naganap na rape
Humahapay na kay Vhong Navarro ang lahat ng ebidensiya ngayong inilabas na ng NBI ang kopya ng mga kuha ng CCTV ng condominium na tinitirhan ni Deniece Cornejo.
Sa biglaang paghusga ay isang maliwanag na set-up ang nangyari kay Vhong, talagang inabangan ng grupo ni Cedric Lee ang kanyang pagdating, pito hanggang walong lalaki na ang nasasangkot ngayon sa pambubugbog kay Vhong ayon sa CCTV camera.
Walang naganap na rape na ipinipilit ng kampo ni Deniece, nasa sala pa lang si Vhong ay nagdatingan na ang tropa, du’n na nagsimula ang pananakit sa kanya nang walang kalaban-laban habang nakatingin lang ang babae at ang isa pang babaeng kasama nito.
Tapos na ang mga kuwentong puro imbento at kababalaghan lang naman, mga kuha na ng camera ng condo ang nagpapatunay ngayon kung paano sinet-up si Vhong, ano kaya ang susunod na magiging hakbang ng grupo ni Cedric ngayong lumantad na ang mga ebidensiya ayon sa CCTV camera?
Pagkalalakas ng loob nilang magsabi na kasi raw, binastos ni Vhong si Deniece, kasi raw, pinagtangkaang rape-in ni Vhong ang kanilang kaibigan, nasaan ngayon ang rape?
Paano nila dedepensahan ngayon ang malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga shots ng CCTV camera? Ano ngayon ‘yung sinasabi nila na nakabukas daw kasi ang pintuan, nakalimutan daw isara ni Vhong bago niya ni-rape si Deniece, samantalang nasa sala pa lang pala ‘yung tao ay nagdatingan na ang nambugbog sa kanya?
Mismong grupo nina Cedric at Deniece ang mabubusog ngayon hindi lang sa mga kasong isasampa laban sa kanila, pati ang mga salitang binitiwan nila laban kay Vhong ay kakainin nila uli ngayon, magmimistula silang pusa na kinakain ang nailuwa na nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.