Jinggoy dadalhin sa Senado ang kaso ni Vhong pero binakbakan agad ng mga Netizens | Bandera

Jinggoy dadalhin sa Senado ang kaso ni Vhong pero binakbakan agad ng mga Netizens

Jobert Sucaldito - January 29, 2014 - 03:00 AM


Nakakaloka talaga minsan ang ibang netizens, kumbaga sa lengguwahe natin, damn if you do, damn of you don’t. Kasi tulad nito, pumasok sa eksena ng bugbugan-issue kay Vhong Navarro si Sen. Jinggoy Estrada dahil naawa ito kay Vhong at dahil isa siyang mambabatas ay meron siyang kapangyarihan at kakayahang tumulong sa pamamagitan ng posibleng pagdinig ng kaso sa Senado.

This is a very sensitive issue and the likes of Sen. Jinggoy can be of big help dahil he is at least untouchable too like Cedric Lee na kilalang maimpluwensiyang tao sa bansa natin.

By pinning down Cedric’s camp kung sila nga ang maysala can help our future children feel safe living in this country. Kaya lang, meron pa ring mga miron na epal nang epal – na kesyo pumapasok lang si Sen. Jinggoy sa eksena para makalimutan ang kinasasangkutan nitong kasong plunder.

Grabe naman. Tumutulong na nga ang tao, binibigyan pa ng ibang kulay. Iba naman yung kaso ni Sen. Jinggoy, ‘no!
Parehong mahalaga ang mga kasong ito sa buhay nating mga Pinoy, kung sa tingin ninyo ay mas mahalaga ang P10 billion scam na kinasasangkutan ni Jinggoy compared to Vhong’s case, nagkakamali kayo.

Parehong mahalaga iyan para sa ating lahat. Kaya sa mga dudero riyan, just shut up. Pag merong isang kaluluwang nais tumulong para sa kapakanan ng katotohanan, suportahan natin. Huwag naman laging nagdududa. Kakaloka kayo!

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending