NAGBUNGA rin ang pagtitiyaga sa showbiz ng dating young star na si Charee Pineda. She plays one of the lead roles sa bagong teleserye sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN na Angelito, Batang Ama.
Love interest si Charee ni JM Guzman na gumaganap bilang si Angelito.
Ilang taon na ang nakaraan nu’ng pumasok si Charee sa showbiz. Marami-rami na rin siyang nilabasan na programa at ginawang pelikula. But most of them, support lang siya. With her very important role sa “Angelito” ‘di malayong tuluy-tuloy na ang pagkinang ng bituin ni Charee sa showbiz.
Narito ang aming panayam kay Charee.
BANDERA: Ano ang feeling na lume-level-up na ang role mo and at the same time mas mature and daring na?
CHAREE PINEDA: Sobrang ano po ako, happy. Sobrang matagal kong hinintay ito. Pressured ako kasi malaki na ‘yung mga role na ipinagkakatiwala nila sa akin. And in return naman, binibigay ko naman ang best ko para maibigay ko sa kanila, ah, maibalik ko sa kanila ‘yun. At alam ko sa sarili ko na nakakapag-deliver ako. Proud po ako sa lahat ng ginagawa ko.
B: Ano ang gagawin mo kung sakaling mangyari sa ‘yo in real life ang mabuntis out of wedlock?
CP: Ako po definitely, hindi magiging option ang abortion. Uhm, wala po akong magagawa kung mabubuntis ako. Siguro ang magagawa ko lang mag-move on at harapin ang pagkakamali ko. Siguro ‘yun lang ‘yung pinakamagandang way para ma-solve ‘yung nangyari sa akin. Saka siguro ‘yun ‘yung bagong path para sa akin.
B: Posible ka bang ma-in love sa isang batang ama?
CP: Ah, bakit hindi? Kapag in love ka naman lahat ‘yan nababalewala mo, e. Siguro, pwede.
B: Ikaw na raw ang bagong teleserye princess ng ABS-CBN?
CP: Ano po, kinakabahan sa totoo lang. Happy ako pero pressured ako kasi napapanood ko sila. Alam ko kung ano ang ginagawa nila. So, kinakabahan ako pero ‘yung kaba ko naman at nerbyos ko ginagamit ko po ‘yun para mas ma-motivate ako, para mas mag-effort to do well.
B: How sexy ang kaya mong gawin pagdating sa role na ginagampanan mo sa pelikula at telebisyon?
CP: Kasi po dito sa Angelito may bed scene kami. Talagang sobrang kabado talaga ako. Pero as long as hindi bastos ‘yung kalalabasan ng istorya at maganda ‘yung role na binibigay sa akin, okey po ako. Pero hindi po kami nakahubad sa bed scene namin. Mga high school students po kasi kami kaya ang lovemaking parang may innocence pa rin talaga. Naka-damit po kami doon.
B: Paano mo pinaghandaan ang love scene n’yo ni JM?
CP: Ang hirap po talaga. Never ko na-imagine ang sarili ko na ganu’n. Alam ko po artista ako at darating po ako sa ganu’ng stage pero iba po pala ‘yung feeling kapag nandu’n ka na talaga. Pero buti na lang po si JM mabait po sa akin.
B: Nali-link ka sa isa pang star ng Angelito na si Matt Evans. May tsismis na kayo na raw ngayon. Bakit kay Matt ka natsismis at hindi kay JM na kapartner mo sa show?
CP: Bakit si Matt? Hindi ko nga alam. Si Matt friend ko talaga ‘yan. Isang group kami parati. Isang grupo na friends kami. Kaya hindi ko alam kung bakit may isyu sa amin ni Matt.
B: Nanliligaw na nga ba sa iyo si Matt?
CP: Hindi po siya nanliligaw sa akin. I don’t know kung nanliligaw siya. Mahirap mag-assume baka mapahiya ako. Pero hindi siya nanliligaw. Hindi talaga. Lumalabas talaga kami isang grupo ‘yun pero hindi date ‘yun.
B: Boyfriend mo na raw si si Matt. How true?
CP: Ay, grabe naman. Hindi naman. Kapag naging boyfriend ko siya magiging proud talaga ako pero hindi. Kung magkaka-boyfriend man ako sasabihin ko po talaga. Kung magkaka-boyfriend man ako hindi ko ikakahiya. Hindi ko ide-deny.
B: Kung sabay manligaw sa iyo sina Matt at JM, sino ang mas may pag-asa?
CP: Ay, grabe naman! Hi-hihihi. Pipili talaga ako? Ah, kasi kami naman ni Matt barkada talaga, so, siguro kay JM ako. Kasi ano, e, matagal ko na siyang kakilala.
B: So, pwedeng may romansa with JM?
CP: Mas may JM kasi barkada talaga ‘yung sa amin ni Matt kaya mahihirapan talaga kami na i-shift into a romance.
B: Ano ang mga katangian ni JM na pang-boyfriend material?
CP: Naku si JM, shoulder to cry on ko ‘yan. Naks, ha! Hindi totoo po. Kasi dati po magkapatid kami sa Precious Hearts Romances Presents Midnight Phantom. Magaling pong magbigay ng advise ‘yan, e, Masarap kausap. Mabait at saka maalaga po siya kahit off-cam.
B: Alam mo ba kung sino ang syota ngayon ni JM?
CP: Wala naman po yata siyang special ngayon, e.
B: Bakit hindi ka niligawan ni JM?
CP: E, kasi po nag-usap kami na parang nandito kami para mag-work kami.
B: Nag-attempt ba si JM na ligawan ka?
CP: Hindi ko alam kung nag-attempt siya. Baka i-deny ako ni JM. Ha-hahaha. Sa Phantom pa lang kung nag-attempt na siya? Ay, hindi naman.
B: Si JM kasi ang nagsasabi na special ka sa kanya. Napi-feel mo ba ‘yun?
CP:Ay, yes. Sinasabi niya rin po talaga sa akin na special raw po ako talaga sa kanya.
B: Naniwala ka naman sa sinabi ni JM?
CP:Opo, naniniwala ako. Honest naman siya, e. Pinapa-feel naman niya sa akin na special ako.
Kung may attempt ba talaga siya sa akin? Hindi ko alam kung attempt po ‘yun. Pero siguro ‘yun na ‘yun kasi pinapa-feel niya na special ako sa kanya. So, hindi na siguro kailangang sabihin ‘yun.
B: May napagkasunduan na ba talaga kayo? Ano ‘yun?
CP: Basta ang usapan namin nandito kami para magtrabaho pero mahirap kasi magsalita ng tapos. Pero hindi rin kasi mahirap mahalin, o, yes! Ang lalim! Ha-hahahaha! Ideal boyfriend siya. Totoo ‘yun. Siguro kung anupaman ang mangyari, hindi ko pa masabi. Pero sobrang mabait po siya.
B: May tsika naman na kaya raw ayaw n’yong umamin ni Matt sa relasyon n’yo ay para protektahan ang tambalan n’yo ni JM?
CP: Hindi, kasi una po sa sarili ko ayaw ko pa po talaga mag-boyfriend. Kasi ngayon pa lang ako nabigyan ng chance, e. Kaya hindi naman ako kailangang pagbawalan pa ng production kasi alam ko sa sarili ko kung ano ang goal ko. Nandito ako to work. Siguro kung na-achieve ko na ang gusto ko siguro ‘yun ‘yung time na pwede na akong mag-relax.
B: Hindi mo ba kayang i-sacrifice ang career mo para sa iyong lovelife?
CP: Hindi po, ayaw ko namang umabot sa point na papipiliin ako kung love or work. Kasi napunta ako dito dahil gusto ko talagang mag-work.
B: Na-imagine mo ba kahit isang beses sa sarili mo na baka maging teenage mom ka rin in real life?
CP: Ako po hindi. Hindi ko talaga ma-imagine. Conservative po ako, pati family ko.
B: Nagkaroon ka na ba ng boyfriend na niyaya ka nang makipag-sex sa kanya?
CP: Ako po kasi hindi, sa ngayon, hindi po ako open sa pre-marital sex. Hangga’t maaari talaga hindi, kasi tulad ng sinasabi ko kanina hangga’t maaari talaga hindi. At before ako mag-start ng relationship sinasabi ko agad. Pero sobrang mahirap. Mahirap i-resist ang temptation.
Hindi ko na lang bibigyan ng chance ang sarili ko na ma-tempt or gumawa ng ganu’n, kasi ginagawa ko ‘to para sa sarili ko. Kasi kahit parents ko naman hindi ako mapoprotektahan. Ako lang talaga.
B: Nakailang boyfriend ka na ba?
CP: Ah, nakadalawang boyfriend po. Showbiz po ‘yung isa, ‘yung first non-showbiz po.
B: Ang tinutukoy ni Charee na first boyfriend niya sa showbiz ay si Tyrone Perez na taga-GMA 7. Hindi ba nag-attempt si Tyrone na balikan ka?
CP: Hindi po kasi pinaghiwalay kami mas feeling ko po dapat friends muna kami. Kapag nagkikita po kami okey kami. Pati po sa pamilya ko okey siya. Almost three years po kami. Nag-break po kami kasi may mga ‘di kami pinagkakasunduan. ‘Yung non-showbiz po, hindi siya ganu’n ka-open sa pag-aartista ko. Almost three years din po. Ang tatagal po ng mga relasyon ko. Pero okey naman kami kasi maayos natapos ‘yung relasyon namin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.