Coco inatake ng nerbiyos dahil kay Angeline | Bandera

Coco inatake ng nerbiyos dahil kay Angeline

- November 19, 2011 - 02:51 PM

Sa ginanap na pasasalamat at post-birthday presscon ni Coco Martin nu’ng Martes ng tanghali ay abut-abot ang papuri niya kay Angeline Quinto na marahil kung maririnig ng dalagang singer ang mga ito ay baka lalo siyang ma-in love sa aktor.

Say ni Coco tungkol kay Angeline, “Kasi nu’ng nagwo-workshop kami, zero siya, wala siyang alam about the blocking, pero habang dumadaan ang mga araw na nagsu-shooting kami, doon ako nagugulat kasi palalim siya ng palalim. Siguro malalim ang pinaghuhugutan.

“May mga eksena kami na drama na iiyak, sabi ko nga, parang niloloko naman kami, kasi ang galing niya. ‘Yung progress niya sobrang galing, dumating nga ‘yung time na kinabahan ako kasi hindi ko alam kung ano ‘yung ipapakita niyang susunod, ano ‘yung ibibigay niya.

“Ako na nga ‘yung na-take two kasi nawala ako. Parang pinanood ko lang siya. Kaya sabi nga ni direk, gusto mong ulitin? Hayun, take-two ako. Ha-hahaha!” tumatawang kuwento ni Coco.

“Ang galing ni Angeline, sobrang pure ‘yung puso niya,” dagdag pa ng aktor.
At dahil open si Angeline na super crush niya si Coco ay sinabi rin ng aktor na ayaw niyang gamitin ang pelikula nila para ligawan ang leading lady niya,

“Para sa akin, trabaho lang. Pag natapos na ‘yng movie at may nararamdaman ako, siguro bahala na.”

cineAs of now ay may ilang shooting days pa sina Coco at Angeline para sa “You Light Up My Life” na ipalalabas sa Enero o Pebrero, 2012 mula sa Cinemedia at Star Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending