Spotlight: Phil Younghusband: Si Angel na talaga | Bandera

Spotlight: Phil Younghusband: Si Angel na talaga

- November 19, 2011 - 02:42 PM

HINDI mahilig sa mga mga label ang celebrity footballer na si Phil Younghusband.

Kaya nga nang uriratin kung ano ang meron sila ng aktres na si Angel Locsin, wala siyang nasabi kundi enjoy sila sa isa’t isa.

“For us, the status or what you call the relationship, doesn’t matter to us. We’re just very, very happy … I try to spend time with Angel as much as possible,” ani Phil sa mga reporter sa press con para sa launching niya at ng kapatid na si James bilang football ambassadors para sa AKT, ang sports block ng TV 5 sa IBC-13.

Sa kanilang tatlong-taon na kontrata, magho-host ang magkapatid ng mga instructional football videos, drills at lifestyle tips, na ipalalabas sa pagitan ng mga AKTV programs. Magsisilbi ring oportunidad ang nasabing deal para ma-inspire nila ang mga kabataan na tumutok sa sports, ang kanilang advocacy na kanilang itinataguyod nang itatag nila ang Younghusband Football Academy noong 2009.

VERY CARING
Inilarawan ni Phil si Angel na “one of the most amazing people” na kanyang nakilala.  “(And) despite being together for months now, each day still feels like it’s our first.”

“She teaches me Tagalog … Tagalog songs, things like that. I learn a lot from Angel. She’s very down-to- earth. She’s human … very caring,” ayon sa Azkal forward at Loyola Meralco Sparks Futbol Club midfielder.

Pero hindi puro “fun and games” ang kanilang relasyon, giit ni Phil. “I’m serious about Angel and I want to have a future with her.”

Excited din si Phil na makita ang kanilang fans kapag nagsagupa na ang Azkals at ang international football superstar si David Beckham at ang team nitong LA Galaxy sa December 3.

Nang tanungin kung tinuturuan ba niya si Angel na mag-football, nag-smile lang si Phil at sinabing, “I hope to teach her in the future, but marami siyang ginagawa. She’s busy … with a new movie coming up. When we have time, I’d love to teach her.”

POSTER BOY

Kahit football ang kanyang priority, bukas naman si Phil sa ideya na pagpasok sa show biz. Pero sa kasalukuyan, wala pa siyang balak na umarte sa TV o sa pelikula. He doesn’t mind naman ang mga  photo shoots para sa magazines at endorsements paminsan-minsan—kahit pa pakiramdam niya ay mas nakakapagod ang mga ito kesa sa paglalaro ng football.

Enjoy naman siya sa glamour na pagiging isa sa mga poster boys ng local football scene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yeah, it’s always good to drive down Edsa and see your billboard,”sey niya. “And to know that you’re promoting football at the same time is good. Obviously, one of my heroes is David Beckham, and to see me doing the same thing he does is great.”

Ang hindi lang nagugustuhan ni Phil ay mga tsismis na hindi niya alam kung saan nagmumula. “Sometimes I hear things and I’m like, ‘Where did that come from? How did you even think of that?’ It’s all new to me,” dagdag niya.—Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending