Daniel umiiwas sa mga babaeng haliparot, takot iwan ni Kathryn
Na-excite ang mga fans ni Daniel Padilla nang sabihin nitong gusto niyang gumawa ng isang TV series kasama si Robin Padilla at iba pa nilang kamag-anak sa showbiz.
“Maganda ‘yan, gusto kong gawin ‘yan eh, gusto kong gawin na magkakasama kami. After nitong Got To Believe tingnan natin kung pwede nating magawan ng paraan ‘yung ganon, masaya sigurong gawin,” anang inata nang mainterbyu ng press pagkatapos ng presscon ng pelikulang “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak” kamakailan.
Dagdag ni Daniel, parang mas trip niya ang isang comedy series kung mabibigyan sila ni Robin ng pagkakataon na magkasama sa isang show, “Parang ‘yung Padilla puno ng humor din eh, puno ng humor pagkami-kami lang, grabe masaya.
May konting action siguro, ‘yung action kasi dadalhin na namin sa sinehan ‘yun eh, pero ‘yung mga humor ‘yun siguro sa TV.”
Samantala, patuloy na namamayagpag ang loveteam nila ni Kathryn Bernardo sa telebisyon sa pamamagitan ng top-rating series na Got to Believe sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Grabe! Kahit saan kami magpunta ngayon sina Chichay at Joaquin ang pinag-uusapan, hindi lang ng mga bagets kundi pati na rin ng mga nanay at lola. Gabi-gabing nagte-trending ang mga eksena nila sa programa.
Ano naman ang masasabi rito ni Daniel, “Feeling ko siguro iyon ‘yung balik nila sa amin, grabe ‘yung paghihirap ‘yan sa Got To Believe. Ang hirap dahil lagi kaming for airing.
Ganyan kasi minsan walang oras, ang daming schedule pero every scene kahit napakaliit lang ng eksena na talagang ginagawa namin ng maayos hindi lang puchu-puchu na acting. Talagang inaayos namin.”
At siyempre, pinuri-puri rin niya si Kathryn, “Magaling din kasi si Kathryn talaga, napakagaling niya kaya siguro ganu’n ang suporta sa amin ng mga manonood.”
In fairness, mukhang nakarating na rin sa Taiwan ang kasikatan ng Got To Believe dahil kahit ang sikat na sikat na aktres doon na si Barbie Xu (ang gumanap na San Chai sa super successful na Taiwanese drama na Meteor Garden ng grupong F4 noon) ay na-curious na rin dito.
Nagtanong kasi si Barbie Xu sa kanyang mga followers sa Twitter kung ano raw ba ang Got To Believe dahil marami ang nagsasabi sa kanya na parang ito raw ang Pinoy version ng Meteor Garden dahil na rin sa tagumpay na tinatamasa nito.
Samantala, mukhang maingat talaga si Daniel pagdating sa babae. Wala tayong nababalitaan na pumoporma o lumalandi siya sa ibang girls.
Feeling ko, hindi niya feel ang mga babaeng malalandi at haliparot kaya dedma lang ang mga nakikipag-flirt sa kanya! Ang type ni Daniel ay tulad ni Kathryn na virginal ang beauty!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.