Kris magkakadyowa ngayong 2014, pero binalaan sa politika
Hayan, may nanghula na naman kay Kris Aquino na may darating na bagong pag-ibig sa kanya this year. Maging si Kris ay natatawa na lang sa hula.
Paano kasi since nagsimula ang morning show niya, taun-taon na lang, e, hinuhulaan siya na magkakaroon ng bagong boyfriend.
Hindi nga ba’t noon ay nanghula pa sa kanya na magkakaroon sila ng affair ni Coco Martin. At ang the height, magkakaroon pa raw sila ng anak, huh!
This year, ang hula naman sa kanya ay isang businessman ang makakarelasyon niya. Nauna rito, tsika nu’ng mangdyudyula may mami-meet din si Kris na isang foreign attachè.
Kaya agad-agad naman nagpasabi si Kris na upgrade ang kanyang tiket sa susunod na trip niya abroad sa First Class. Kahit na nga raw siya ang magbayad.
Dagdag pa ng manghuhula, negative raw ang possibility na pasukin ni Kris ang politika sa mga susunod na taon. May ganu’n talaga?!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.