Parusa sa mga magulang na kunsintidor | Bandera

Parusa sa mga magulang na kunsintidor

Ramon Tulfo - January 21, 2014 - 03:19 PM

MALALA na raw ang child pornography sa bansa at nagpahayag ng pagkabahala ang Malakanyang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na pag-iibayuhin ng administrasyong Aquino ang kampanya laban sa cyberpornography, kasama na ang mga protektor ng child cybersex industry.

Ang Pilipinas ay isa sa 10 bansa kung saan laganap ang cybersex.
qqq

Kung ako lang ang masusunod, dapat sigurong pagpapatayin ang mga magulang na binebenta ang laman ng kanilang mga anak na babae.

Ang mga magulang na ito ang siyang nagbubugaw sa kanilang mga anak.

Mga walang kuwentang tao ang mga ito kaya’t dapat ay mawala na sila sa mundo.

Anong klaseng magulang ang nagbebenta ng laman ng kanilang sariling anak?

Para silang mga tatay na nanggagahasa ng kanilang mga anak na babae.

Ang mga magulang na nagbebenta ng kanilang mga anak ay parang rabbit o kuneho kung magparami ng mga anak.

Gusto nilang marami silang anak, lalo na’t babae, dahil puwede nilang ipagbili ang mga laman ng mga ito.

May kasabihan na ang masamang damo ay mahirap mamatay.

Ang mga magulang na nagbebenta ng kanilang mga anak ay mga masasamang damo.

Yung batas na ipinasa ni Sen. Kiko Pangilinan ay dapat na i-repeal o amiendahan dahil ito ay nagpapalala ng kriminalidad sa ating bansa.

Ang nabanggit na batas ay nagpaparami ng mga batang kriminal.

Sa ilalim ng batas ni Pangilinan, na tinatawag na Juvenile Justice Welfare Act (Republic Act 9344), ang isang batang 15 anyos pababa ang edad ay hindi makukulong kahit na gaano kalaki ang kanyang kasalanan.

Ipapaubaya lang ang child offender sa magulang na, more often than not, ay kinukunsinte ang anak o tinutulak pang gumawa ang anak ng krimen.

Since hindi puwedeng parusahan ang batang kriminal, dapat ay ang magulang o kanyang guardian ang parusahan.

Kailangang makulong ang magulang o guardian na kinukunsinte ang kanyang anak o tinutulak pa ito na gumawa pa ng krimen.

Sa sitio Sta. Fe, Barangay Bacungan, Puerto Princesa, kung saan ako nagbabakasyon, may ilang kabataan ang nambabato ng mga sasakyan na dumadaan.

Ang mga nasabing kabataan, na may edad 17 hanggang 19, ay mga lasing kapag ginagawa nila ang pambabato.

Sa aking programang “Isumbong mo kay Tulfo,” may dinalang bata na nauka ang mukha dahil binato ang bus na sinasakyan niya at ng kanyang mga magulang sa highway sa Quezon province.

Nakakaawa ang bata na babae pa naman.

Naalala ko ang batang babae na disfigured ang mukha for life.

Pinatawag ko sa kaibigan kong pulis ang mga bata pati na rin ang kanilang mga magulang.

Kailangang bigyan ko ng aksyon ang nabalitaan ko bago may tamaan na mga pasahero ng mga sasakyang dumadaan sa aming sitio.

I took matters into my own hands.

Sinabi ko sa mga bata na gagawan namin sila ng istorya upang sila’y makulong kapag di sila nagpalatigo sa akin.

Nilatigo ng aking kaibigang pulis isa-isa ang mga bata. Namilipit ang mga ito sa sakit, ang isa ay halos maihi.

Nakita ng mga magulang ang ginawa namin.

Isa sa mga magulang ang di nakatiis at nagsabing di raw niya papayagan na malatigo ang kanyang anak.

Inagaw ko ang latigo sa pulis at sinabi kong ako ang lalatigo sa magulang.

Tinulak ng magulang ang bata upang malatigo dahil natakot siya na baka siya pa ang maihi.

Alam ba ninyo? Tumino ang mga kabataan na nambabato.

Nag-aral silang muli at ngayon ay may mga asawa at anak na. Tumino silang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung di ko ginawa yun, baka may nasaktan na mga taong nakasakay ng motorsiklo o bus na dumadaan sa aking sitio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending