Luis payag magpagamit kay Angel kahit halos isumpa noon ng ex-GF
Gamit na gamit si Luis Manzano sa promo ng soap ni Angel Locsin. Kasi naman, talagang pinatulan ng Dos ang issue sa dalawa, na kesyo mahal pa ni Angel ang binatang anak ni Vilma Something.
Cashing in on the love issue ay pinag-guest si Angel sa Sunday noontime show ng Dos to promote her soap. To add kilig factor para sa fans ay umapir si Luis after ng song number ni Angel at siyempre para ‘yon sa fans.
Ito namang si Luis, sakay lang nang sakay sa mga “palabas” ni Angel, alam na alam niyang kailangang mag-ingay ng dalaga para sa kanyang soap opera na makababangga ng teleserye ni Marianita.
Sa isang interview nga ni Luis ay sinabi niyang na-rekindle ang friendship nila ni Angel over the holiday season. As for now ay ayaw niyang bigyan ng label ang kanilang relasyon.
It’s good to see na naging mabuti na ang lahat dahil there was a time na halos isumpa ni Angel ang binata.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.