“CREATIVELY it wasn’t a joyous thing anymore. Ito ang pahayag ng singer na si Bamboo kung bakit nagkanya-kanya na ang mga miyembro ng bandang isinunod sa pangalan niya.
Naniniwala si Bamboo na tama ang kanyang ginawa na nagresulta sa hiwalayan ng kanyang banda.
At 10 buwan matapos na kumalat ang balitang breakup ng banda, si Francisco “Bamboo” Mañalac, ay nagbabalik.
Sa katapusan ng buwan ay ilulunsad na ang kanyang bagong solo album na “No Water, No Moon” (PolyEast Records). Katatapos lamang ang shooting ng kanyang music video para sa kantang “Questions.”
“It’s actually a re-shoot,” ani Bamboo na isang indikasyon na hindi problema sa kanya ang pagbalik para maitama ang problema.
Si Bamboo ang sumulat ng kanta na paliwanag niya ay para sa paghahanap ng kahulugan (“a million more questions by the end of the day”). Siya rin ang sumulat ng 11 pang kanta sa album.
Wala man sa kanyang tabi ang mga dating band mates– Nathan Azarcon (bassist), Ira Cruz (guitarist) at Vic Mercado (drummer), hindi nangangahulugan na nag-iisa na si Bamboo.
Nakasama niya sa pagbuo ng bagong album ang keyboardist-arranger na si Ria Villena-Osorio, bassist Simon Tan, guitarist Kakoi Legaspi at drummer Junjun Regalado.
Sila rin ang kanilang magsisilbing backup band sa kanyang mga live performances.
“They were the first guys I asked to join me,” ani Bamboo.
Sila ay nakasama ni Bamboo sa unang public appearance nito sa kanyang pagbabalik sa katatapos na Tanduay Rhum Rockfest kasama ang 12-piece orchestra.
Tinapos umano niya ang pagsusulat at pagre-record ng kanyang bagong album sa Estados Unidos kung saan nakasali rin siya sa mga gig ng Filipino at American musicians.
Nang tanungin kung siya ay aalis nanaman kapag nagkaroon ng conflict sa kanyang banda?
Sinabi ni Bamboo na hindi ito totoo. “In Rivermaya it was all too early for me … I was too young,” aniya. “The interest and joy in being in a band were there, but I wanted to grow, go to school …”
Tinanong din si Bamboo kung totoo na dalawang taon niyang hindi kinausap ang mga miyembro ng Bamboo.
“That was a different matter. Creatively it wasn’t a joyous thing anymore,” ani Bamboo. Nagkasundo umano sila na ang fun factor ang prayoridad ng kanilang grupo.
Hindi rin umano ang hectic tour ang dahilan kung bakit nawala na ang saya ng grupo. “This was our job, so we knew what we were going into.”
Ang paghihiwalay umano ng Bamboo ang isa sa mabigat na desisyon na kanyang ginawa pero ito ang pinakamabuting gawin.
Ayaw na ring balikan ni Bamboo ang mga nangyari kung bakit naghiwa-hiwalay ang banda.
“I’m now in a good place. I don’t want to be disrespectful to my former band mates. I had a good time with them. We did some great stuff…”
Ang iniwang grupo ni Bamboo ay bumuo ng bagong banda—Hijo, na mayroong dalawang bagong miyembro.
“There is something bigger out there. I wish them the best.”—Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.