Pacquiao kay Mayweather: Maglaban tayo para sa charity
HINAMON ni world boxing multi-division champion Manny Pacquiao ang walang talong American boxer na si Floyd Mayweather Jr. na labanan siya sa ring at ipagkaloob ang kanilang mapapanalunan sa laban sa mga charities sa iba’t-ibang panig ng mundo.
“I’m not desperate to fight him just for the sake of money or material things. I’m not the one seeking this fight rather it’s the boxing fans all over the world,” sabi ni Pacquiao, ang kinatawan ng Sarangani Province, sa panayam ng Inquirer.
Sinabi ni Pacquiao na handa siyang labanan si Mayweather sa anumang oras at anumang lugar kahit hindi siya tumanggap ng kahit isang sentimo bilang prize money.
“I am ready to submit myself to any kind of stringent drug testing. Above all, I challenge him to include in our fight contract that both of us will not receive anything out of this fight. We will donate all the proceeds of the fight – guaranteed prize, should there be any, gate receipts, pay-per-view and endorsements – to charities around the world,” ani Pacquiao.
Dinagdag pa ni Pacquiao na kung hindi takot si Mayweather na makalaban siya ay tatanggapin nito ang hamon na magharap sila sa ring.
Sinabi rin ni Pacquiao na wala na siyang dapat patunayan sa mundo ng boksing.
“I have carved my own niche in the annals of boxing. There’s no reason why should I be desperate to fight him? But since the boxing fans worldwide are seeking and demanding for Pacquiao-Mayweather fight, I don’t want to disappoint them,” sabi pa ni Pacquiao, na galing sa matinding panalo laban kay Brandon “Bambam” Rios noong Nobyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.