Sindikatong gobyerno-negosyante | Bandera

Sindikatong gobyerno-negosyante

Jake Maderazo - January 20, 2014 - 03:31 AM

SAAN ka naman nakakita ng ganitong administrasyon? Sa halip tulungang makahinga ng maluwag ang tao sa hirap ng buhay, katulong pa sila ng mga sakim na negosyante sa pananaga sa mamamayan.

Sa bawat litro ng gasolina, kumikita ang gobyerno ng 12 percent VAT. Bukod diyan, sumisingil din sila ng excise tax na P5.35 sa bawat litro ng gasolina at P1.60 naman sa diesel. Isipin ninyo, mas malaki pa yata kita ng gobyerno kaysa sa mga oil companies at halos P12 bawat litro ang kinakaltas ng walang puhunan.

Sa tubig, todas ka rin sa 12 percent VAT sa bawat cubic meter o halos P4 ang latay sa mga resibo natin. Isipin niyo, noong 1997 ay P7  lang ang tubig ng MWSS,  ngayon ay halos P40 per cubic meter. Ang masakit, pati income taxes ng Manila Water P1.6B at Maynilad (P1.5B) noong 2002 hanggang 2008, ay tayo ring mamamayan ang pinagbayad.

Sa budget mong P1,000 sa mga grocery o supermarket at kahit ano ang iyong pinamili,  P120 ang napupunta sa gobyerno. Wala kang lusot. Kung senior citizen ka, makakabawi ka ng konti sa 20 percent discount,  pero paano kung ordinaryong tao ka lang?

Pati pamasahe sa trabaho apektado rin. May pataw na 12 percent VAT sa toll fee sa NLEx, SLEx, SCTEx, at iba pang tollway, kahit buwis ng gobyerno ang gumawa nito noong panahon ng PNCC. Pati pasahe sa MRT at LRT1and 2, mukhang papatawan din ng VAT.  Itataas ang pasahe para maging attractive ito sa mga negosyante at ibebenta uli.

Maghanapbuhay ka, mapa-pribado o gobyerno, kaltas na agad ang 32 percent  sa income tax mo. Sa bawat P100 kitain mo, P32 ang napupunta sa gobyerno. Magkaroon ka ng bonus o 13th month pay, dapat hindi lumampas ng P30,000  dahil papatawan ka rin ng 32 percent income tax na naman. Mag-ipon ka man  sa bangko, kaltas din ng 20 percent tax ang interes o tutubuin nito.

Kapag nag-enroll ang mga bata sa eskwela, hagip ka rin ng 12 percent VAT.  Ganoon din kapag ikaw ay naospital o bumili ng mga gamot at ang masakit, kahit kapag ikaw ay namatay na at ibuburol o ililibing, pati lump sum o pensyon mo ay may kaltas din.

Pati mga serbisyo sa gobyerno nagtaasan na rin, lisensya sa pagmamaneho sobra na sa isang P1,000 lalo na ang mga rehistro ng sasakyan, clearances tulad ng NBI, titulo, business taxes pati amelyar.

Sa totoo lang, talaga namang dapat magbayad ng buwis ang mga mamamayan sa bawat bilihin o serbisyo. Pero wag naman sanang manguna pa ang gobyerno sa panggigipit sa atin. Wala raw silang magagawa, sabi ng Malakanyang. Bagay na mahirap paniwalaan.

Bakit hindi nila alisin o bawasan man lang ang  mga kaltas nila sa kuryente, tubig, gasolina, krudo, toll fees,  bonus at iba pang serbisyo?  Bakit tila kakampi pa ng gobyerno ang mga masisibang negosyante?  Bakit nasisikumura ng gobyerno na pagkakitaan pa ng husto ang mamamayan sa mga buwis, kahit hirap na hirap na ang mamamayan? Ganyan ba ang sindikato, GOBYERNO at mga NEGOSYANTE vs. naghihingalong mga Pilipino?

Mr. President, hindi yata kayo titigil hanggat hindi  tuwid ang paa ng bawat Pilipino sa kahirapan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending