DRIVER KA RIN BA? (Part 3)
ALAM mo ba na kapar pinayagan mong magmaneho ng iyong sasakyan ang di lisensiyado o di tugma sa tunay ang kanyang lisensiya, ay maybabayad ka ng P1,000? Bukod dito ay maaari ring suspendihin ang plaka at rehistro ng sasakyan, at masususpinde rin ng dalawang buwan ang lisensiya mo?
Kapag ang hawak mo ay peke o kaduda-duda lisensiya, ang multa ay P2,000. At kapag nakakuha na ng tunay na lisensiya, di pa rin ito agad na magagamit dahil bubunuin pa ang isang taon suspensyon bilang parusa sa pagmamaneho ng pekeng lisensiya, bukod pa sa babayarang multa.
Kapag ang driver ay convicted sa krimen na kinasasangkutan ng sasakyan, ang multa ay P3,000.
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo. Sundan bukas. Hasta la vista.
Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 8, 2009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.