NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Sen. Tito Sotto sa pagkaaresto ng anim katao sa mga lungsod ng Makati at Taguig dahil sa droga.
Ang anim ay nahuli ng mga otoridad sa kani-kanilang mga tahanan sa mga pangmayaman na mga tirahan sa nasabing mga lungsod.
“Kung sila’y mga miyembro ng Mexican drug cartel, nababahala ako. Ito’y senyales ng panganib.
Dapat pag-igihan pa ng mga otoridad ang intelligence work. Dapat ay pumasok na ang ISAFP,” ani Sotto.
Ang ISAFP ay Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines, na pangunahing intelligence agency ng bansa.
Tatlong Canadian at iba pa ang naaresto ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation o NBI sa The Luxe Residences at One Serendra sa Taguig, at Gramercy Residences sa Makati.
Sila’y pinaghihinalaan na mga miyembro ng Mexican drug cartel.
“The Hong Kong Triad pales in comparison to the Mexican drug cartel,” ani Sotto, dating chairman ng Dangerous Drugs Board.
Maraming pinapatay ng drug cartel na mga government officials sa Mexico sanhi ng paglaban nila sa cartel.
Bakit di na lang
bigyan ng “final solution” ang problema sa Mexican drug cartel kung sila’y nakapasok na sa bansa?
Alam ng mga otoridad ang ibig kong sabihin ng “final solution.”
Kung idadaan naman sa legal, gawin na lang ng mga otoridad ang ginawa kay Lim Seng, isang drug dealer, noong panahon ng martial law.
Si Lim Seng ay pinatay sa pamamagitan ng firing squad sa harap ng maraming tao sa Fort Bonifacio noon.
Dahil sa execution ni Lim Seng, matagal nawala sa bansa ang problema sa droga.
Sa Davao City, mangilan-ngilan kung meron man ang drug pusher at trafficker.
Hindi sila hinuhuli, sila’y sinasalvage.
May mga Intsik na taga Mainland China na nakapasok sa Davao City at nagtayo ng laboratoryo ng shabu.
Nang sila’y mahuli, di sila nakarating sa istasyon ng pulisya.
Napatay sila, sabi ng pulisya, habang sila’y nanlaban sa mga pulis.
Ang mga bangkay ng mga suspected drug traffickers ay ibinigay ng Davao City government sa isang medical school upang mapag-aralan ang kanilang katawan.
Nanawagan si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa Estados Unidos na tulungan ang Pilipinas na labanan ang China na diumano’y nang-aapi ng ating bansa.
Binu-bully diumano ng China ang Pilipinas sa problema tungkol sa South China Sea at East China Sea sa pamamagitan ng pagde-deploy ng malalaking barkong pandigma sa mga lugar na nabanggit.
“We need a big country to say (to China) that should not be done,” ani Gazmin.
Wala namang laban kasi ang ating bansa sa China kung tayo’y
gerahin nito.
Bukod sa lubhang malaki ang China, mas di hamak na mas maraming sophisticated arms ito kesa sa ating bansa.
Titirisin lang ang Pilipinas ng China kapag nagkataon.
Kaya’t dapat ay tumakbo tayo sa US upang tayo’y ipagtanggol.
After all, matalik nating kaibigan ang America at ito’y Mother Country natin bago tayo mabigyan ng kalayaan noong July 4, 1946.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.