Angel handa nang balikan si Luis, nagpakatotoo lang | Bandera

Angel handa nang balikan si Luis, nagpakatotoo lang

Jobert Sucaldito - January 17, 2014 - 03:00 AM

 

ANGEL LOCSIN

MATAGAL ding nag-iwasan sina Angel Locsin at ex-boyfriend na si Luis Manzano at inamin ni Angel sa amin ni Papa Ahwel Paz nu’ng kapanayamin namin siya sa “Mismo” program namin sa DZMM the other night na nakaramdam daw siya ng konting selos tuwing nababalitaan niyang meron nang girlfriend si Luis during that time.

“Di maiwasang may konting kurot sa puso ko that time pag nakakarating sa aking meron na siyang bagong girlfriend nu’ng time na maghiwalay kami. Ganoon naman yata talaga, pag naka-move on agad ang kahiwalayan mo, medyo hurt ka pa pero ganoon lang iyon,” ani Angel.

Pero sa pagkakaalala ko, maraming beses na ring naisulat na never bumabalik si Angel sa ex loves niya. Iyon ang pagkakilala namin sa kaniya.

“Totoo po iyon and seems like this time ay parang kakainin ko ang sinabi ko noon. Pero wala pa naman, nag-uusap pa lang kami ni Luis. Wala pa namang klarong balikan. Ang nakakaloka lang, ako pa itong nagsasalita – feel ko lang kasing sabihin. Para akong kinikilig.

“Dumalaw kasi si Luis last New Year sa bahay. Tulog na ako that time kaya ang mga kasama ko lang ang nakausap niya. And this time, open na ang communication lines namin. Ganoon lang muna and seems like nag-eenjoy na kami sa friendship namin.

“Hindi pa malinaw masyado pero mukhang kakainin ko nga ang sinabi ko noon ,na hindi na makipagbalikan kaninuman. Ha-hahaha!” magiliw na pahayag pa ni Angel bago namin napag-usapan ang nalalapit niyang teleseryeng The Legal Wife na magsisimula nang mag-air sa ABS-CBN Primetime Bida on Jan. 27.

Makakasama ni Angel dito sina Maja Salvador, Jericho Rosales, JC de Vera, Christopher de Leon, Rio Locsin, directed by Rory Quintos and Dado Lumibao.

“Napakaganda ng istorya nitong The Legal Wife. It’s something very true and real sa bawat pamilya. Kumbaga, kung normally ay yung istorya ng other women ang sentro ng kuwento, ngayon naman ay bida ang legal wife. Dito ilalahad ang mga bagay-bagay tungkol sa mga tunay na asawa – kung papaano magmahal, paano nito maipaglaban ang pag-ibig niya.

“Mahalaga rin talaga sa isang babae na minsan ay dapat niyang ibaba ang pride niya kung kinakailangan. That’s one thing I’ve learned sa usaping-pag-ibig. Kasi nga, sobrang taas ng pride ko and through my experiences sa buhay lalo na sa larangan ng pag-ibig, I’ve learned na ibaba ang pride ko if needed,” she said matter of factly.

Marami ang kinikilig ngayon sa malaking chance na pagbabalikan nina Luis Manzano and Angel Locsin. This is something na dapat nating pakaabangan.

“Hindi ako nagpapakontrobersiyal kaya nabuksan itong kuwento sa amin ni Luis. Nagkataon lang siguro na before the airing ng The Legal Wife ay nagkaayos lang kami ni Luis. Nakakatuwang isipin na para akong in love ulit ngayon. Ha-hahaha!” she ends.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanong, ano kaya ang feeling ni Luis, ngayong si Angel na ang tila nagpapahiwatig sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending