BUKAS ang Malacanang na tumanggap ng donasyon sa mga nais mag-ambag para sa pagpapagamot ndating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
“In the future maybe there’s a private group that will be willing to…who shares the opinion of the President and will also put up the fund instead of the government,” ani Lacierda kung kayat tatanggapin nila ito para hindi na magalaw pa ang pondo ng gobyerno.
Ipinauubaya na rin ng Palasyo kay Budget Secretary Florencio Abad kung saan hahagilap ng pondo para sa medical na tulong na ibibigay sa dating pangulo para hindi na ito lumipad pa sa ibang bansa at doon magpagamot.
May mga suhestyon na kunin na lang din ang pondo sa personal na pera ni Aquino matapos batikusin ang kanyang alok na sasagutin ng gobyerno ang pagpapagamot ng dating pangulo.
Samantala, tinanggihan ng kampo ng dating pangulo ang alok ng Palasyo.ay Lacierda. – Bella Cariaso
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.