Boy Abunda: Oo, kaya ko ring magtaray kung kailangan! | Bandera

Boy Abunda: Oo, kaya ko ring magtaray kung kailangan!

Julie Bonifacio - January 13, 2014 - 03:00 AM


Tinawagan ng King of Talk na si Boy Abunda ang isang telecommunication company upang linawin kung meron ba silang pinapunta sa kanya para interbyuhin siya.

May lumabas kasing issue na tinarayan daw niya ‘yung nag-interbyu sa kanya  na taga-telecommunication company. Pinakialaman pa raw  niya ang mga tanong sa survey.

“Alam mo capable ako na magtaray, totoo ‘yun.  Nagtataray ako kapag hindi ko gusto ‘yung bibiglain ka na lang at bastos. Posible rin na may mga tanong sa akin na hindi ko gusto, pwede rin akong magtaray.

Pero iniisip ko talaga kung merong lumapit sa akin na nag-survey from a telecommunication company, e,” pahayag ni Kuya Boy. Pero wala raw talagang ipinadala ang nasabing kumpanya para kapanayamin siya.

Just in case ‘di alam ng iba, si Kuya Boy ang presidente ng bagong film outfit ng Queen of All Media, ang Kris Aquino Productions, Inc.

Tinanong namin kay Kuya Boy kung ilang percent ang makukuha niya sa laki ng kinita ng first movie nila na “My Little Bossings.” Hindi pa raw niya alam.

Dedma lang din si Kuya Boy kung bigyan siya o hindi ng  bonus sa laki ng kinita ng movie na umabot sa mahigit P300 million. Parang ‘di naman kailangan ni Kuya Boy kaya biniro na lang namin siya na i-share na lang niya sa amin.

Sasabihin daw niya kay Kris na ibigay na lang sa amin ang bonus niya. Natawa na lang kami sa biro ni Kuya Boy. Anyway, bumalik na nga ng Pinas si Kris last Thursday and for sure may dalawang pares na bagong branded shoes ulit na pasalubong kay Kuya Boy ang Queen of All Media.

Although, may 30 new pairs of branded shoes din naman daw siya na kabibili from his recent trip sa US.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending