Ika-5 diretsong panalo pakay ng Rain or Shine | Bandera

Ika-5 diretsong panalo pakay ng Rain or Shine

Barry Pascua - January 11, 2014 - 03:00 AM


Mga Laro Ngayon
 (Mall of Asia Arena)
3:30 p.m. San Mig Coffee vs Air21
5:45 p.m. Talk ‘N Text vs Rain or Shine

IKALIMANG sunod na panalo at paghihiganti ang layunin ng Rain or Shine sa pagkikita nito sa defending champion Talk ‘N Text sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang alas-5:45 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa unang laro sa ganap na alas-3:30 ng hapon, hangad din ng Air21 na makabawi sa San Mig Coffee upang patuloy na buhayin ang tsansang makarating sa quarterfinals.

Ang Elasto Painters, na sumegunda sa torneong ito sa nakaraang season, ay may 8-3 record matapos ang apat na sunod na panalo kontra Petron Blaze (99-95), Barako Bull (99-95), San Mig Coffee (101-77) at Globalport (98-87).

Ang Tropang Texters ay galing sa 102-100 pagkatalo sa Air21 noong Miyerkules at bumagsak sa 7-4. Sa kanilang unang pagtatagpo noong Disyembre 17 ay naungusan ng Talk ‘N Text ang Rain or Shine, 90-87.

Kapwa hinahabol ng Elasto Painters at Tropang Texters ang isa sa Top Two spot na magbibigay sa kanila ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Ang Rain or Shine ay pinamumunuan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Ryan Araña at Beau Belga na makakaduwelo nina Kelly Williams, Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo, Jayson Castro at Larry Fonacier.

Ang Air21 ay nasa ibaba pa rin ng team standings na may 3-9 record.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending