Sulat mula kay Elisa, ng Barangay Kalasuyan,
Kidapawan City
Dear Sir Greenfield,
Naging overseas contract worker din kami ng mister, dangan nga lamang at nahawa siya ng sakit sa Saudi kaya’t pinauwi siya. Pagkalipas ng ilang buwan sa bansa ay lumubha ang kanyang karamdaman. Bagaman binayaran siya ng kanyang employer ay naubos din ito sa kapapagamot. Hanggang sa nangailangan ang mister ko ng puspusang alaga kaya bagaman ayaw ko pang umuwi dahil maganda din naman ang suweldo ay napilitan na ako. Hanggang sa naubos ang aming pera at nagsimula na akong mangutang kahit alam ko na hindi ko ito mababayaran. Nagbalik-loob kai sa Diyos at gumaling ang aking asawa. Ngayon ay naga-apply na naman kami sa abroad pero napakahirap magkaroon ng trabaho roon. Makapaga-abroad ba muli kami? Kailan kaya kami makababayad ng mga utang? Ang birthday ng mister ko ay Jan. 13, 1978 at ako’y Feb. 10, 1979.
Umaasa,
Elisa, ng Barangay Kalasuyan, Kidapawan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapwa kayo may ikalawang Travel Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa kaliwa at kanang palad ninyong mag-asawa. Ibig sabihin, sa malapit na hinaharap, tulad ng dati muli kayong makapangingibang bansa. Kaya sa ngayon, hindi dapat mawalan ng pag-asa, ituloy lang ang inyong paga-apply sa abroad, darating ang panahon may mabungang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Jack of Diamonds at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung anumang salapi ang nawala sa inyo noong magkasakit ang mister mo, tiyak ang magaganap sa susunod na taon hanggang 2015 babalik din sa inyo ang kasaganaang pang materyal hanggang sa tuluy-tuloy na uli kayong yumaman.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.