Bing Loyzaga: OK na kami ni Janno! Wala nang away, asaran lang!
MASASABING kumpleto na rin na na ipinagdiwang ni Bing Loyzaga ang Pasko at Bagong Taon. Nandito na kasi sa Pilipinas ang mga magulang niya.
Of course, sino ba naman ang ‘di nakakaalam that her father is the great Caloy Loyzaga ng basketball. “I brought them back here. They’re staying with me na. My dad is 83.
Na-stroke ang daddy ko magti-three years na. Kaya dito na siya sa akin. For good na sila dito ng mommy ko. Kasi nga since na-stroke siya, e, syempre iba na ‘yung kilos, iba na ‘yung sitwasyon.
“So, sabi namin, aba, e, kung may mangyari kay Mommy, paano niya tutulungan si Daddy?Ah, hindi. Iuwi na natin sila.’ My mom is 74 na rin, e,” kwento ni Bing nu’ng makausap namin siya sa last taping ng serye ng TV5 na Positive.
It’s time naman daw na siya na ang mag-alaga sa parents niya, “Kaya kapag wala akong taping, caregiver. Ha-hahaha! Pero kung sila lang naman, Iwouldn’t wanted any other way. I’m happy to have them with me.”
Naiwan daw sa Australia ang sister niyang si Teresa, brother niyang si Chito at isa pa nilang sister, “Oo, I have two sisters and a brother na nasa Australia pa. ‘Yung dalawa magkasama sa Sydney. Si Teresa sa Perth.
Walang bagong boyfriend si Teresa at huwag na rin. Maganda na ang posisyon niya doon. Flight stewardess pa rin siya sa Quantas (Airlines). But her elder son is with her, si Sefi. Si Diego is here.
They’re living harmoniously also. The kid is working, so, okey naman sila doon.”Nandito sa Pinas si Diego at mag-isang naninirahan sa kanyang condo, “But he goes to the house once in a while.
Ah, kapag may problema or kapag nami-miss lang kami. Or bibisita sa lolo’t lola niya. Nasa edad na, e. He’s 18. He’s with Channel 2. Kasama siya sa Mirabella with Julia Barretto.
But thank God natapos niya ang high school, sa OB Montessori. Pinatapos namin ‘yun. Pinilit namin siya na tapusin muna ‘yun.”
Hindi raw si Cesar Montano ang nagpagapos kay Diego, “Ah, alam mo na? Ganoon lang, haha. Ang ano kasi, kahit na sino hindi magagawa, hindi magagawang isabayan ‘yan, so, it’s a choice.
Ang point ko kasi ang showbiz nand’yan lang ‘yan, e. “Kahit na anong edad ka pa, e. ‘Yung youth minsan lang ‘yan, e. Ang high school kapag na-miss-out mo ‘yan ngayon, ay wala na! Mami-miss out mo na talaga ‘yan.
So, I’m very proud that he finished, he graduated. At least, ‘di ba? So, happy ako for him na nagawa niya ‘yun. I think that’s the biggest gift he can give to his mom.”
He will still carry the name Diego Loyzaga sa ABS-CBN, “That’s his legal name naman, e. Kasi hindi naman sila (Cesar and Teresa) married, e. ”
Tinanong namin si Bing kung ‘di ba naghabol si Cesar sa legalidad ng name ng anak niya kay Teresa, “Ay, siya na lang ang tanungin ninyo doon. Echos! Ang dami niyang issue huwag na lang din natin siyang tanungin.”
With regards naman sa family niya, okey naman daw sila ni Janno Gibbs at magkapitbahay pa rin, “At least masasabi ko na ngayon we get along.
Walang away. Asaran pero laging kasama ang mga bata. Kung anuman ang kailangan na desisyon na concern ang mga bata maaasahan kaming dalawa.”
May sarili na raw business ang 24-year old eldest niya na si Alyssa, ang Neon Island. While their youngest na si Gabby ay graduating na sa high school.
“It’s an online thing. Nagde-design sila. Pero ang maganda lang sa kanila, it’s all Pilipino made. All their materials, all their designs, anything. Bags, shirts, lahat Philippine made.
Tapos, nag-join din sila ng parang boutique ng Gawad Kalinga,” lahad pa ni Bing.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.