Spotlight: 3 Dekada ng Eat Bulaga | Bandera

Spotlight: 3 Dekada ng Eat Bulaga

- November 05, 2011 - 02:21 PM

MATANDA lamang ng tatlong buwan ang TV host na si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga kung saan siya ngayon ay nagtatrabaho.

“I was born in April 1979; the show premiered three months later, in July,” ani Ryan, na naging host ng show dalawang taon na ang nakakaraan. “My earliest memory of the show is watching child star Aiza Seguerra.”

Dumalo ang mga dati at kasalukuyang cast at crew ng show sa paglulungsad ng kanilang coffee table book na may titulong: “Eat Bulaga: Ang Unang Tatlong Dekada,” sa White Space sa Makati City.

Naalala rin ni Allan K, na nagsisimula pa lamang na umusbong na comedy-bar performer noong 1980s, na si Aiza rin ang paborito niya noon.

“I worked nights and usually got home right before dawn, but I would make sure to wake up at noon to catch ‘Eat Bulaga,’” ani Allan na nakapasok sa show noong 1995.

SAHOG NG PANANGHALIAN
Bago naging bahagi sina Ryan at Allan ng “Dabarkads” (ang tawag sa mga mainstay ng show), ang Eat Bulaga ay bahagi na ng kanilang pananghalian gaya ng kanilang henerasyon.

Hirit naman ni Aiza, ang sekreto kung bakit tumagal ang Eat Bulaga ay ang pagiging isang pamilya hindi lamang ng mga host kundi ma-ging ng mga manonood.

“Though I now work with other networks, I know that my ‘Eat Bulaga’ family will welcome me anytime,” ani Aiza.
Ang dating host na si Chiqui Hollman-Yulo ay umalis sa show noong 1981 pero nanatili pa rin ang pakikipagugnayan sa Bulaga family.

“I used to baby-sit Keempee (anak ni Joey de Leon) and Apples (anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa). Now every time I’m in the mall and someone calls out, ‘Tita!’ it will have to be one of the children of Tito, Vic or Joey,” ani Chiqui.

Maraming tumapat sa Eat Bulaga subalit pinataob nila itong lahat— matapos ang paglipat sa tatlong istasyon at limang presidente,  ayon sa cohost na si Julia Clarete.

“We have lunch together everyday. From Monday to Saturday, I get to learn from the geniuses of comedy and hosting,” paliwanag ni Julia.

Sinabi naman ni Malou Choa-Fagar, senior vice president at chief operating officer ng Tape, Inc. (producer ng “Eat Bulaga”), na na-ging loyal sa show ang publiko dahil sa  ipinakikitang debosyon ng mga main hosts na sina Tito, Vic at Joey sa programa.

MABIGAT NA PINAGDAANAN
“Even during the tough times—the first 10 years—Tito, Vic and Joey never gave up. Even when we couldn’t pay them, they never complained,” ani Malou na nagsimula bilang production assistant ng programa nang magsi-mula ito noong 1979 sa TPN 9.

“We never imagined the program would come this far,” saad naman ni Tito. “For the past 32 years, it has evolved constantly. From a noontime variety show it has turned into a public-service program.”

Dagdag naman ni Jimmy Santos: “There’s always something new. If someone leaves, someone new joins naman.”
Hindi rin nasira ang show nang umalis sila sa ABS-CBN noong 1995 at ang paglabas ng “Wowowee” mula 2005 hanggang 2010, ani Tito. “We never looked at competition. We focused on our work and how we could constantly improve the show.”

Para naman kay Vic Sotto: “For me, every day is a new day. We went through some really hard times together. That was part of the growing pains.”

Ang roller-coaster ride ng programa sa nakalipas na 32 taon ay makikita sa libro.
Ang anak ni Joey na si Jako ang nagsilbing book designer. Maraming litrato rin ang ibinigay ni Joey para sa libro na isinulat ng honorary Dabarkads na si Butch Francisco.

Isang black-and-white photo nina Tito, Vic and Joey, Chiqui at Richie D’Horsey na nakapormang TY (o Thank You) ay ginamit para sa book launch ng libro. Ideya ito ni Joey, ani Richie.

Si Ces Quesada, isa ring dating cohost (Mula Abril hanggang Oktobre 1989) ay nagsabi na nakakatuwang basahin ang libro. “Reading about the show’s beginnings reminded me of my own ‘growing-up’ years in the biz. It’s a valuable reference book for students who are doing research on the history of Philippine television.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pangarap naman ng head ng Tape Inc., na si Tony Tuviera na hindi lamang sa libro makita ang nakalipas ng Eat Bulaga. “My dream is to build a museum and maybe our own studio in the future.”

Ang libro ay mabibili sa Tape office (426-6423 -28) at ang mapagbebentahan nito ay mapupunta sa mga estudyanteng naapektuhan ng Bagyong “Pedring” sa Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija.—Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending